Ika-2 kabit ni kilalang male star kinaibigan at binigyan pa ng cooking tips ng legal wife | Bandera

Ika-2 kabit ni kilalang male star kinaibigan at binigyan pa ng cooking tips ng legal wife

Ronnie Carrasco III |April 20,2017
facebook
share this

Ika-2 kabit ni kilalang male star kinaibigan at binigyan pa ng cooking tips ng legal wife

Ronnie Carrasco III - April 20, 2017 - 12:15 AM

BLIND ITEM 0715

HULA hoop: Matagal nang tinanggap ni legal wife ang pagkakaroon ng woman #2 at woman #3 ng kanyang husband kung saan nagkaanak din ito.

Pero between women #2 and #3 ay mas nakagaanan ng loob ni legal wife ang huli.

Sa katunayan, once too long ago ay nagtagpo ang dalawa. Hindi lang namin sure kung anu-ano ang kanilang mga napag-usapan pero siguradong may kaugnayan din ‘yan sa lalaking pareho nilang minahal.

May pagkamataray pero civil na kabilin-bilinan ni legal wife sa kanyang karibal, may paboritong putahe raw ang kanilang common man na sana’y makuha nito ang recipe.

Madali lang mahulaan ang iisang lalaki sa buhay ng tatlong kababaihan, na tiyak na hindi nagkita-kita kahapon sa isang mahalagang okasyon for obvious reason pero naroon for sure ang kani-kanilang mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending