Kris inaatake na ng mga kamalasan sa buhay, pero saksakan pa rin ng yabang | Bandera

Kris inaatake na ng mga kamalasan sa buhay, pero saksakan pa rin ng yabang

Cristy Fermin |April 19,2017
facebook
share this

Kris inaatake na ng mga kamalasan sa buhay, pero saksakan pa rin ng yabang

Cristy Fermin - April 19, 2017 - 12:05 AM

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

ANG pagtatangkang gumawa ng pelikula sa Hollywood ng mga lokal nating artista ay hindi na bago.

Napakarami nang sumubok, hindi nga lang nagtagumpay, kaya ang ipinagmamalaking oportunidad ngayon ni Kris Aquino ay hindi na bago.

Pagdating sa Los Angeles ni Kris para sa kanyang press release na pagpirma ng kontrata sa isang Hollywood producer ay agad-agad siyang nagpalutang na naman ng kasosyalan sa pamamagitan ng pag-iikot sa hotel suite na kanyang tutuluyan sa Beverly Hills.

Hindi ‘yun tinanggap nang positibo ng ating mga kababayan, bash kung bash na naman ang ipinakain ng mga netizens sa kanya, hanggang sa paglagapak daw ng career ng aktres-TV host ay talagang nandiyan pa rin ang kanyang kayabangan.

Ang komento ng kaibigan naming propesor tungkol sa video ni Kris, “Mali na naman ang timing niya. Talagang kung ano ang gusto niyang gawin, walang makapipigil sa kanya. Alam niya namang very crucial para sa kanya ang mga panahong ito, pero flaunt kung flaunt pa rin siya ng kayabangan niya.

“Wala talaga siya sa timing. Sana, inuna na muna niya ang contract signing daw niya, hindi ‘yung ganyan na parang ipinagsisigawan pa niya sa buong mundo na can afford siyang tumira sa isang super-bonggang hotel suite,” makahulugang sabi ni prop.

Isa lang naman ang magiging reaksiyon ni Kris sa mga ganu’ng klase ng pagpuna. Isang-isa lang, pa-deadma lang niyang sasabihin, “E, kasi, rich ako!” na katono ng sound bite niya nu’n na “E, kasi, sikat ako! Kundi ako sikat, hindi naman nila ako papansinin!”

Ha! Ha! Ha! Ha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending