Breaking: Bus nabangin sa Nueva Ecija: 24 patay | Bandera

Breaking: Bus nabangin sa Nueva Ecija: 24 patay

John Roson |April 18,2017
facebook
share this

Breaking: Bus nabangin sa Nueva Ecija: 24 patay

John Roson - April 18, 2017 - 04:04 PM
nueva ecija Dalawampu’t-apat katao ang nasawi nang mahulog ang bus na pa-Maynila sa isang bangin sa Carranglan, Nueva Ecija, bago mag-tanghali, ayon sa pulisya. Nakarekober na ng 24 na bangkay ang mga lokal na awtoridad Martes ng hapon, sabi ni Chief Supt. Aaron Aquino, direktor ng Central Luzon regional police. Isang Robin bus ang nahulog sa bangin sa Brgy. Capintalan dakong alas-11:30, sabi ni Aquino sa isang text message sa mga reporter. Binabagtas noon ng bus ang Maharlika Highway, mula Cagayan patungong Manila, aniya. Nagsasagawa pa ng rescue operation sa pinangyarihan, ani Aquino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending