Sa tulong ng isang babae yayaman

By Joseph Greenfield April 18,2017
share this

Sa tulong ng isang babae yayaman

By Joseph Greenfield April 18,2017
share this

Sulat mula kay Ronald ng Malitbog, New, Corella, Davao del Norte
Dear Sir Greenfield,
Marami na akong pinasok na negosyo ang problema sa umpisa lang malakas pagkatapos pag nagtagal-tagal na ay nalulugi na ako. Minsan tuloy naiisip kong baka wala talaga akong suwerte sa negosyo kaya balak ko na lang mag balik sa barko. Dati kasi akong seaman at matagal din akong nagtrabaho sa barko. Ano ba ang masasabi nyo, saan ako yayaman sa pagnenegosyo po ba o magbalik na lang ako sa barko? December 26, 1979 ang birthday ko.

Umaasa,
Ronald Davao Del Norte

Palmistry:
Huli na ng gumuhit ang malinaw na Business Line sa iyong palad (1-1 arrow 1.) pero ang higit na malinaw ay ang Travel Line (2-2 arrow 2.). Ibig sabihin sa panahon ngayon mas mainam na magbalik ka na lang muna sa barko, at pag katapos saka ka na lang magnegosyo kapag tumuntong ka na ng edad na 41 o kaya’y sa edad mong 50.
Cartomancy:
Seven of Diamonds, Queen of Diamonds at King of Clubs ang lumabas (Illustration1.). Ang mga baraha ang nagsasabing dalawang bagay ang ikayayaman mo, una, sa muli at paulit-ulit na pagbabarko at pangalawa sa tulong ng isang babae na maaaring asawa mo. Ibig sabihin hindi ka yayaman kung walang babae sa tabi mo.
Itutuloy….

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending