Quantcast

Laging Busy ang BF (2)

By

Sulat mula kay Lyka ng Gumaok, San Jose
Del Monte, Bulacan
Problema:
1. Noong bago palang kami ng boyfriend ko e-very week nagkikita kami at nagde-date pero ng mag-one year na ang relasyon namin napansin kong medyo tumamlay na siya. Sa ngayon ang lagi nyang dinadahilan kaya hindi nya na ako nadadalaw o napupuntahan sa office ay busy daw siya sa work nya, pero dati naman ay hindi siya ganon. Kaya sa ngayon hindi maalis sa isip ko ang maghinala na baka may iba na siyang babae. Sa palagay nyo Sir Greenfield, totoo kayang busy siya sa kanyang work o baka naman hindi nya lang ako talaga mahal?
2. Compatible kaya kami at kami kaya ang magkakatuluyan o dapat na akong makipag-break sa kanya at maghanap na lang ako ng ibang lalaki na bibigyan ako ng sapat na oras at atensyon? August 25, 1994 ang birthday ko at January 30, 1992 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Lyka ng SJDM, Bulacan
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ang nagsasabing hindi kayo compatible ng kasalukuyan mong boyfriend, dahil ang Aquarius ay may elementong air o hangin, na hindi tugma sa elementong earth o lupa ng isang Virgo. Sa halip ang lalaking magiging totoo at tunay na boyfriend mo na maaari na ring mapangasawa ay isang Taurus.
Numerology:
Ang birthday date mong 25 ay nagsasabing sa taon ding ito ng 2017 sa darating na buwan ng Mayo sa larangan ng pag-ibig, tiyak ang magaganap, matapos kayong magkipag-break ng kasalukuyang boyfriend mo, isang lalaki may birth date na 2, 11 o kaya’y 20 ang darating, siya ang tunay na ka-compatible mo at makakasama habang buhay.
Luscher Color Test:
Upang lalo ka pang suwertehin hindi lang sa pag-ibig kundi sa lahat ng aspeto ng buhay lagi kang magsuot ng kulay na berde at dilaw. Sa nasabing kulay lalong iigting, gaganda at bubuti ang iyong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Lyka ayon sa iyong kapalaran, tama lang na kalimutan mo na at makipag-break ka na sa kasalukuyan mong boyfriend na walang panahon sa iyo. Dahil pagkatapos ninyong magkalayo, tiyak ang magaganap, sa taon ding ito ng 2017, sa buwan ng Mayo sa edad mong 22 pataas, bago sumapit ang edad mong 23, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus ang darating – siya ang magiging ikalawang boyfriend mo, na sa bandang huli ay siya na rin ang mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Copyright © 2017,

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement