Ilang taga-showbiz mas kinampihan pa ang nakaaway na producer ni Kris | Bandera

Ilang taga-showbiz mas kinampihan pa ang nakaaway na producer ni Kris

Julie Bonifacio |April 17,2017
facebook
share this

Ilang taga-showbiz mas kinampihan pa ang nakaaway na producer ni Kris

Julie Bonifacio - April 17, 2017 - 12:10 AM

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

PINAG-UUSAPAN sa umpukan ng mga manunulat sa grand presscon ng award-winning indie movie na “1st Sem” ang paksa tungkol sa mga sinabi ng Queen of All Media na si Kris Aquino laban sa producer ng #TripNiKris pati na sa anak niyang politician.

Hati-hati ang opinyon ng mga kasama namin sa panulat sa ginawa ni Kris but majority of them are saying na very distasteful ang ginawa ng TV host. Pero may mga nagsasabi namang, “what is new about her?”

Nagsabi lang daw ng totoo si Kris at kilala naman daw siya sa pambubuking ng katotohanan noon pa man. Gayunpaman, marami pa rin ang nakisimpatya sa producer kesa kay Kris.

Say pa ng kausap namin, baka wala rin daw knowing ang produ sa tsikang nililigawan ng anak niya si Kris. Baka raw may mga gumawa lang ng kwento para i-link kay Kris sa anak ng producer na balitang may plano na tumakbo ulit sa susunod na halalan.

Kwento pa ng writer-friend namin, nu’ng nakausap naman nila ang anak ng produ at tinanong about his relationship with Kris, tumangging magbigay ng anumang comment ‘yung guy. Wala raw silang nakitang bahid na intensyon ang anak na produ na “i-use-in-a-sentence” si Kris.

Baka raw may nagtsu-tsu lang sa kampo ng producer na i-link ang anak niya kay Kris para umingay ang pangalan nito in preparation sa plano niyang pagtakbo ulit sa politika. Nag-sorry na sa mga binitiwan niyang salita against her producer si Kris. So, we just hope na maging okay na lahat.

Anyway, napanood namin ang show ni Kris at nagustuhan namin ang segment kung saan itinampok ang richness ng Nueva Ecija hindi lang sa food production but more on the story of how proud they are sa mga kababayan nila na umaani ng tagumpay internationally sa larangan ng art gaya ng jewelry maker na si Ann Ong.

Una na riyan ‘yung interview ni Kris sa anak ng dakilang pintor at National Artist na si Fernando Amorosolo na si Sylvia Amorsolo-Lazo. Si Sylvia ang isa sa 20 anak ni FA at presidente ng Fernando C. Amorsolo Art Foundation na nasa Nueva Ecija. Siya ang nag-o-authenticate ng painting ng tatay niya and at the same time, painter din siya.

Siyempre pa, hindi matitiis ng Queen of All Media na may-i-connect ang sarili in whatever link she has kay Amorsolo which is very Kris di ba?

Kinuwento niya na ang tungkol sa portrait ng kanyang yumaong ina na si President Cory Aquino na ipininta mismo ni Fernando Amorsolo. Binili raw ng daddy niya na si Benigno “Ninoy” Aquino ang naturang portrait kay FA para iregalo kay former President Cory during her 18th birthday.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending