Relasyong Bea-Gerald seryosohan na, tanggap na ng kani-kanilang pamilya | Bandera

Relasyong Bea-Gerald seryosohan na, tanggap na ng kani-kanilang pamilya

Ambet Nabus |April 17,2017
facebook
share this

Relasyong Bea-Gerald seryosohan na, tanggap na ng kani-kanilang pamilya

Ambet Nabus - April 17, 2017 - 12:05 AM

bea alonzo at gerald anderson

HMMMM, looks like Bea Alonzo and Gerald Anderson are just waiting for the right time to formally announce their relationship.

Gaya nga ng lagi nilang sinasabi, mas nag-eenjoy daw sila na laging magkasama exclusively at hindi na rin sila mga bagets pa para lagyan ng label ang understanding nila o kung anuman meron sa kanila sa ngayon.

Well, we can only relate to that dahil may mga bagay nga sa relasyon na kapag nalagyan na ng label eh nag-iiba na ang diskarte pati na rin ang emosyon ng bawat isa.

Kilala nating maingat ang dalawa sa pakikipagrelasyon based on their previous ones, kaya’t unawain na lang natin ang privacy na gusto nilang sa kanila lang.

Gabi-gabi pa ring napapanood si Bea sa A Love To Last na kinakikiligan ng marami ang tandem niya with Ian Veneracion, habang this May naman magsisimula ang Ikaw Lang Ang Iibigin sportserye ni Gerald, kasama sina Kim Chiu at Jake Cuenca.

Nitong Holy Week ay balitang magkasama sa Pagbisita Iglesia ang dalawa with their families nila and close friends. It seems indeed na very good influence nga ang isa’t isa kahit sa mga mas personal nilang activities outside showbiz.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending