Payo kay Kris: Lumakad ka ng paluhod para mapatawad ka sa mga kalokohan mo! | Bandera

Payo kay Kris: Lumakad ka ng paluhod para mapatawad ka sa mga kalokohan mo!

Cristy Fermin |April 16,2017
facebook
share this

Payo kay Kris: Lumakad ka ng paluhod para mapatawad ka sa mga kalokohan mo!

Cristy Fermin - April 16, 2017 - 12:05 AM

kris aquino

MAY mga bashers talagang walang pangingilin. Ano bang Santo-Santo na? Ano bang kahit man lang ilang araw ay magpahinga naman muna sila sa pagbira sa mga pinagtitripan nilang personalidad?

Nu’ng nakaraang Semana Santa ay pinagtika pa rin sa bundok ng kalbaryo, este, ng mga intriga at pagpuna si Kris Aquino. Talagang hindi siya tinantanan ng kanyang mga bashers.

Ang dapat daw sa aktres-TV host ay lumakad nang paluhod para mapatawad siya sa mga pinaggagagawa niyang kalokahan. Kung anu-ano na naman daw kasi ang pinalulutang ni Kris para lang siya maging sentro ng mga usap-usapan.

Kuwento ni propesor, ang kaibigan naming kung saan-saan nakarating nu’ng mga nakaraang araw, “Kahit sa anong umpukan, talagang si Kris pa rin ang topic. Wala yata akong pinuntahan na hindi siya ang starring sa mga kuwentuhan.

“Grabe ang babaeng ‘yun, pabagu-bago kasi ang takbo ng utak niya! Inupakan niya ang producer ng show niya, kung anu-anong pamimintas ang ginawa niya. Nu’ng maramdaman niya na galit na galit sa kanya ang mga kababayan natin, ang bilis-bilis niyang bumawi!

“Nadala lang daw siya ng emotions niya, saka hindi raw naman for public consumption ang lahat ng sinabi niya, off-the-record daw dapat ang iba du’n!

’Yung nagsulat pa ngayon ang may kasalanan, samantalang ang bibig niya ang tuluy-tuloy sa pamimintas sa producer niya! Wala siyang utang na loob, kaya ganyan ang nangyayari sa career niya!” madiing pahayag ni prop.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending