Awra bibigyan na rin ng sariling serye, may bagong pelikula kasama si Coco | Bandera

Awra bibigyan na rin ng sariling serye, may bagong pelikula kasama si Coco

Ambet Nabus |April 16,2017
facebook
share this

Awra bibigyan na rin ng sariling serye, may bagong pelikula kasama si Coco

Ambet Nabus - April 16, 2017 - 12:05 AM

coco martin at awra briguela

HINDI naman talaga laging 100% agree ang sambayanan sa nagiging resulta ng mga reality shows sa TV lalo pa’t ang feeling ng marami ay pera-pera lang lagi ang labanan dahil sa pinaiiral na text vote system.

Ang huling “biktima” nga ng mga reklamo ay itong child star na si Awra Briguela, ang tinanghal na grand winner ng Your Face Sounds Familiar Kids. May celebrity contestant daw kasi na mas deserving kasi sa kanyang manalo.

Kesyo grabe raw ang suportang ibinigay kay Awra nina Coco Martin at Vice Ganda kaya naging malakas ang bentahe nito sa mga manonood. Alangan naman daw na pabayaan ng dalawang Kapamilya superstars ang magaling na batang komedyante na nag-uwi nga ng isang milyong piso, house and lot at trip to Jeju Island, South Korea (for four) matapos manalo sa grand finals kung saan ginaya nito ang American rapper na si Nicki Minaj.

Na-feel nga ng mga bagets ang competition dahil inamin ni Awra na nagkaroon sila ng slight na tampuhan ni Elha Nympha na siyang manok ng ilan nating mga Kapamilya dahil nga sa nakakabilib nitong pag-impersonate kay Luciano Pavarotti.

Pero ang pinakanakaka-intrigang item ay yung bigla nga raw binago ng management ang rule hinggil sa makukuhang grand finalists.

Imbes kasing sa top four lang pipiliin ang pasok sa final showdown, nagdesisyon ang production na isama na ang lahat ng contenders. At ayon pa sa nabalitaan namin, hindi raw talaga pumasok sa top four si Awra?

Well, tapos na ang labanan, at naniniwala akong makaka-move on din ang lahat sa paglipas ng panahon. Para sa amin, very promising naman talaga si Awra at hindi kami magtataka kung very soon ay i-launch na rin siya as bida sa sarili nitong serye o pelikuka. Ang balita nga namin, meron silang gagawing movie ni Coco very soon at marami ang nagre-request na bigyan din sila ng serye ni Vice.

And yes, mas dapat siguro nating pagtakhan kung never nagpakita ng suporta sa bata either man kina Vice Ganda o Coco Martin.

Yan siguro ang ikinasasama ng loob ng ilang manonood na bumoto sa ibang contestants, pero ano pa nga ba ang magagawa natin kapag text votes na ang pinag-usapan. Alangan namang pabayaan nina Vice at Coco ang kanilang anak-anakan.

q q q

Marami rin kaming nababalitaan na marami na ang nawalan nang gana sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Sa takbo na naman daw kasi ng kuwento ng serye kung saan muling nakulong si Cardo (Coco), uulit na naman daw ang kuwento sa pagpapahirap dito lalo pa’t si Joaquin (Arjo Atayde) na lang ang solong naghahari sa mga ilegal na gawain.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naipakita na raw yun dati at tila panipis na nang panipis ang plot ng kuwento habang padagdag pa rin nang padagdag ang mga bagong karakter.

“Please lang, kung wala na silang maisip na ibang plot o subplots sa mga patayan at ilegal na gawain ng mga pulis at mga sindikatong kriminal mas mabuting tapusin na ang kuwento,” hirit ng isang nakausap namin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending