Concert producer sumuko sa resbak ng JaDine fans | Bandera

Concert producer sumuko sa resbak ng JaDine fans

Cristy Fermin |April 11,2017
facebook
share this

Concert producer sumuko sa resbak ng JaDine fans

Cristy Fermin - April 11, 2017 - 12:05 AM

nadine lustre at james reid
LOKO! Kung nakalusot nu’n ang maangas na show promoter kuno na si Elaine Crisostomo sa ibang Pinoy performers na siniraan niya ay nagkaroon siya ng katapat sa mga tagasuporta nina James Reid at Nadine Lustre.

Langkay-langkay na sinugod ng mga fans ng JaDine ang FB account ng tomboyitang promoter, inupakan siya mula umaga hanggang sa kasunod pa uling umaga, walang nagawa ang promoter kuno kundi ang isara na lang ang kanyang account.

Papayag ba naman ang mga katropa ng JaDine na basta na lang tawaging maldito at maldita at walang isang salita ang kanilang mga idolo? Kesyo unprofessional pa raw dahil sa hindi pagdalo ng tambalan sa ihinanda nitong brunch para sa mga Pinoy fans sa San Francisco.

Sino ngayon ang napahiya? Nagsalita na ang Viva Live, ang produksiyong nagdala sa JaDine sa Amerika, hindi nila kausap kahit kailan ang Elaine Crisostomong ito.

At may utang pa pala ang promoter kunong ito sa production, si James Reid mismo ang nagbunyag ng utang ni Elaine Crisostomo, kaya lalong nag-init sa kanya ang mga loyalista ng loveteam.

Dati nang maangas ang dating karelasyong tibo ni Desiree del Valle, marami siyang nakaaway na Pinoy performers, pero nagkamali siya sa pag-iimbento ng mga kuwento laban sa JaDine.

Magbenta ba ng tickets para sa isang pagtitipon na hindi naman alam ng magka-loveteam? Siya ang dapat habulin ng mga kababayan nating bumili ng tickets sa pangakong makakasama ng mga ito ang JaDine sa isang brunch.

Anong binigo ng JaDine ang mga Pinoy sa photo op, samantalang wala ngang kaalam-alam ang dalawa na meron pala silang dadaluhang okasyon para sa mga fans?

Aling Pacing, matagal nang bulok ang saging, kaya maghunos-dili sana sa pambabaligtad ang tomboyitang promoter na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending