Quantcast

Gusto ng magka-baby (2)

By

Sulat mula kay Raquel ng St, Francis Village, Bagbag, Lapu-Lapu City,

Problema:

1. Year 2015 ng kinasal kami ng mister ko ngunit almost 2 years na kaming nagsasama sa darating na June ngunit magpahanggang ngayon bakit kaya wala paring kaming baby? Naiinip na po kami ng mister ko kaya madalas ay nagiging nega na po ako, kaya iniisip kong baka may baog sa aming dalawa, na wag na man po sana. Kaya naisipan kong ipabasa sa inyo ang aming kapalaran kung kailan po kaya kami magkaka-baby?
2. At kung sakaling makabuo na kami this year o sa next year ano po kaya ang unang magiging baby namin, girl po ba o boy? February 2, 1992 po ang birthday ko at May 29, 1991 naman ang mister ko.

Umaasa,
Raquel ng Lapu-lapu
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) at Gemini naman si mister ay nagsasabing compatible kayo, kaya siguradong kayo ay magkaka-baby at ikaw ay mabubuntis at ang pagbubuntis na ito ay magaganap sa buwan ng Hunyo sa kasalukuyang taong 2017.

Numerology:
Ang birth date mong 2 ay nagsasabing, ang unang magiging baby mo ay isang malusog na lalaking sanggol. At dahil 2 ang birth date mo at 29 naman ang mister mo, favorable kayong magtalik tuwing sasapit ang petsang 2, 11, 20, 29, 7, 16, at 25, higit lalo sa panahong nasa new moon, first quarter o kaya’y full moon ang buwan sa langit. Sa ganyang diskarte, tulad ng nasabi na, sa taon ding ito may mabubuong sanggol sa iyong sinapupunan.
Luscher Color Test:
Upang matiyak na magkakabuo kayo ng isang matalino at malusog na sanggol lagi kayong gumamit ng kulay pulang ilaw o kaya’y kortina, kumot o punda ng unan sa inyong silid. Sa ganyang paraan, sa tulong ng kulay pula mabilis kang mabubuntis.
Huling payo at paalala:
Raquel ayon sa iyong kapalaran, tulad ng nasabi na hindi magluluwat sa taon ding ito ng 2017, samantalahin nyo ang buwan ng Abril, Mayo at Hunyo, panayin ang pagtatalik, at sundin ang mga binanggit ng gabay sa itaas, dahil sa nasabing panahon bigla kang mabubuntis, upang paglipas ng siyam na buwan, isang malusog at matalinong sanggol na lalaki ang unang magiging bunga ng inyong pagmamahalan. Lilipas ang mga dalawa o tatlong taon pa, sa 2020, sa edad mong 28 pataas, isang malusog uling baby ang mabubuo sa iyong sinapupunan, sa pagkakataong ito ay babaing sanggol na, upang minsan pa, ganap ng makumpleto at umigting pang lalo ang pagmamahal ng inyong buong pamilya.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement