TNT Katropa nalusutan ang Mahindra Floodbuster | Bandera

TNT Katropa nalusutan ang Mahindra Floodbuster

Melvin Sarangay , |April 09,2017
facebook
share this

TNT Katropa nalusutan ang Mahindra Floodbuster

Melvin Sarangay - , April 09, 2017 - 10:00 PM

Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. NLEX vs GlobalPort
7 p.m. Rain or Shine vs Phoenix  Petroleum

NAHABLOT ng TNT Katropa ang ikaapat na diretsong panalo matapos na malusutan ang Mahindra Floodbuster, 86-84, sa kanilang 2017 PBA Commissioner’s Cup game Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pinangunahan ni Donte Greene ang Katropa sa itinalang 24 puntos, 14 rebounds, apat na assists at tatlong blocks habang si Troy Rosario ay nagdagdag ng 11 puntos at apat na rebounds.

Bumida sina Greene at Rosario sa huling yugto subalit si Jayson Castro ang nagpasimuno ng ratsada ng Katropa sa kinamadang 10 puntos, pitong assists at limang rebounds para sa TNT na umangat sa 4-1 karta.

Lamang ang TNT ng dalawang puntos, 83-81, may pagkakataon sana ang Mahindra na makalamang subalit sumablay si Jason Deutchmann sa kanyang 3-pointer may 31 segundo ang nalalabi sa laro.

Muling nagkaroon ng tsansa ang Mahindra na maagaw ang kalamagan matapos ang split free throw ni Roger Pogoy may 12.0 segundo ang natitira subalit sinayang ni Alex Mallari ang pagkakataon matapos sumalto sa kanyang layup na naging daan para selyuhan ni Greene ang pagwawagi ng Katropa.

Si Keith Wright ay gumawa ng 26 puntos, 13 rebounds, apat na assists at dalawang steals habang si LA Revilla ay nag-ambag ng 20 puntos para pamunuan ang Floodbuster na natalo ng tatlong diretsong laro at nahulog sa 1-5 kartada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending