Kailan magkaka-boyfriend? (2)

By Joseph Greenfield April 09,2017
share this

Kailan magkaka-boyfriend? (2)

By Joseph Greenfield April 09,2017
share this

Sulat mula kay Camille ng San Bartolome, Novalihces, Quezon City
Problema:
1. Medyo payat po ako at kayumanggi ang kulay ng balat, ito po marahil ang dahilan kung bakit ni minsan ay hindi ako nagka-boyfriend, kaya madalas na dinadalaw ako ng lungkot lalo na pag nakikita ko ang mga kaibigan ko at kabarakda na may boyfriend na.
2. Naisipan ko pong sumangguni sa inyo upang itanong kung kahit kaya hindi ako masyadong maganda magkaka-boyfriend pa rin kaya ako at kung may darating na lalaki na laan para sa akin ang kapalaran? Kung may roon darating kailan ko kaya siya makikilala at saan ko matatagpuan? June 7, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Camille Quezon City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ay nagsasabing kahit na hindi ka tumaba, hindi ka sumeksi o hindi ka pumuti o kahit na manatili ang kasalukuyan mong itshura, walang kaso yon, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius ang magiging boyfriend mo.
Numerology:
Ang birth date mong 7 ay nagsasabing ang lalaking magiging boyfriend mo at tuluyan na ding mapapangasawa at makakasama habang buhay ay isinilang sa petsang 4, 13, 20 o kaya’y 29.
Luscher Color Test:
Upang mas madaling magka-boyfriend sa panahong ito ng iyong edad na magtu-27 na, ugaliing magsuot ng kulay na berde, dilaw at puti. Sa nasabing kulay kusa ng gaganda at susuwertehin ang iyong kapalaran sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon.
Huling payo at paalala:
Camille ayon sa iyong kapalaran wala namang kaugnayan ang pisikal na anyo sa takdang kapalaran ng isang tao lalo na kung pag-ibig at pag-aasawa ang paguusapan. Kagaya ng
iyong tadhana, na nagsasabing, kahit na mapayat ka pa at may kayumangging kulay ng balat, siguradong sa darating na buwan ng Agosto sa taon ding ito ng 2017 sa edad mong 27 pataas, isang lalaking katamtaman ang pangangatawan na medyo kayumanggi din ang kulay ng balat ang manliligaw sa iyo, sa panahong ding ito sasagutin mo siya at magiging boyfriend upang pagsapit ng taong 2019, sa edad mong 29 pataas, tuluyan ka ng makapag-asawa at magkaroon ng isang simple, pero masaya at pang habang buhay ng pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending