Kailan magkaka-boyfriend?

By Joseph Greenfield April 08,2017
share this

Kailan magkaka-boyfriend?

By Joseph Greenfield April 08,2017
share this

Sulat mula kay Camille ng San Bartolome, Novalihces, Quezon City
Dear Sir Greenfield,
Medyo payat po ako at kayumanggi ang kulay ng balat, ito po marahil ang dahilan kung bakit ni minsan ay hindi ako nagka-boyfriend, kaya madalas na dinadalaw ako ng lungkot lalo na pag nakikita ko ang mga kaibigan ko at kabarakda na may boyfriend na. Naisipan ko pong sumangguni sa inyo upang itanong kung kahit kaya hindi ako masyadong maganda magkaka-boyfriend pa rin kaya ako at kung may darating na lalaki na laan para sa akin ang kapalaran? Kung may roon darating kailan ko kaya siya makikilala at saan ko matatagpuan? June 7, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Camille Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kahit wala ka pang boyfriend sa kasalukuyan hindi ka dapat mangamba dahil may namataang kaisa-isang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kahit na medyo kayumangi ka at medyo payat, tiyak ang magaganap sa takdang panahong inilaan ng kapalaran magkaka-boyfriend ka, makapag-aasawa at magkakaroon ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Cartomancy:
Seven of Hearts, Eight of Hearts at Ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2017, sa buwan ng Oktubre magkaka-boyfriend ka at ang boyfriend mong ito ang posible mo ng mapangasawa na nakatakdang maganap at mangyari sa taong 2019 sa edad mong 29 pataas.
Itutuloy…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending