Lorna balik-ABS-CBN; paiiyakin ang madlang pipol | Bandera

Lorna balik-ABS-CBN; paiiyakin ang madlang pipol

Julie Bonifacio |April 07,2017
facebook
share this

Lorna balik-ABS-CBN; paiiyakin ang madlang pipol

Julie Bonifacio - April 07, 2017 - 12:10 AM

LORNA TOLENTINO

LORNA TOLENTINO

NAGBABALIK ang mahusay na aktres na si Lorna Tolentino sa award winning drama anthology ni Charo Santos na Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado.

Gagampanan ni LT sa nasabing MMK episode ang isang babaeng nabilanggo dahil sa drugs noong 2008. Makakasama ni Lorna rito ang young star na si Alexa Ilacad.

Tunghayan ang kwento nila bilang mag-inang sina Maya at Joy. Unang nakatapak sa loob ng prison facility si Joy nu’ng 14 years old pa lang siya. Natuto na niyang tanggapin na second home ang kulungan dahil madalas siyang magpunta para bisitahin ang kanyang ina.

Dito ay makikilala at mai-in love siya sa bilanggong si Rustom na gagampanan naman ni Edgar Allan Guzman. Siyempre, tutol si Maya sa pag-iibigan ng kanyang anak at ni Rustom. Hanggang sa magkaroon ng anak ang dalawa.

The rest of the story ay malalaman natin sa Maalaala Mo Kaya bukas ng gabi. Kaya huwag palampasin at tunghayan ang muling pagbabalik ni Lorna sa MMK. Ito ay sa direksyon ni Dado Lumibao at sa panulat ni Arah Jell Badayos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending