Pia dapat unahin ang career bago lalaki; wag sirain ang buhay dahil kay Marlon | Bandera

Pia dapat unahin ang career bago lalaki; wag sirain ang buhay dahil kay Marlon

Ambet Nabus |April 06,2017
facebook
share this

Pia dapat unahin ang career bago lalaki; wag sirain ang buhay dahil kay Marlon

Ambet Nabus - April 06, 2017 - 12:10 AM

pia wurtzbach at marlon stockinger

LAGING in the news si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Mula sa isyu ng kagandahan hanggang sa lovelife nito, “in na in” ang dalaga.

Last week ay pinag-usapan ang pag-unfollow nila ni Marlon Stockinger sa Instagram after maglabasan sa social media ang balitang may kambal na anak ang car racer sa dating model.

Kung ang ganu’ng reaksyon daw ang ating pag-uusapan, aba’y malamang ngang nasaktan nang husto si Pia though we’ve known her always for being so strong and a fighter.

Kaya lang kasi, pag usaping pag-ibig, walang strong-strong eh! Ha-hahahaha! Mas maganda na lang sigurong unahin ni Pia ang kanyang career ngayong tapos na ang reign niya bilang Miss U.

We believe na kung talagang sila ni Marlon ang para sa isa’t isa mangyayari yan kahit ano pa ang mangyari. Kahit pagbali-baliktarin man natin ang kanilang mga mundo kung sila pa rin ang itinadhana ay walang magagawa ang kanilang detractors.

But for now, let’s just respect them and give them the space they deserve. Hintayin na lang natin kung ano ang magiging desisyon ni Pia – hiwalayan na nga kaya niya si Marlon o tatanggapin na lang niya kung ano ang nakaraan ng binatang car racer-model

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending