Pia super happy sa b-day party ni Marlon, hindi pa naghiwalay | Bandera

Pia super happy sa b-day party ni Marlon, hindi pa naghiwalay

Ervin Santiago |April 06,2017
facebook
share this

Pia super happy sa b-day party ni Marlon, hindi pa naghiwalay

Ervin Santiago - April 06, 2017 - 12:10 AM

MARLON STOCKINGER AT PIA WURTZBACH

MARLON STOCKINGER AT PIA WURTZBACH

KUMALAT sa social media kahapon ang litrato nina Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger na kuha sa birthday celebration ng model-car racer.

Nagdiwang ng kanyang 26th birthday si Marlon last Tuesday at makikita nga sa kanilang larawan na ipinost ng kanilang kaibigan sa Instagram na magkasama ang magdyowa habang nagkakasiyahan sa party.

Natuwa ang mga followers nina Pia at Marlon nang makita na maayos pa rin ang kanilang relasyon sa kabila ng lumabas na balita na may kambal na anak ang car racer sa dati nitong girlfriend.

Ibig sabihin, hindi totoo ang mga naglabasang chika na nagdesisyon na si Pia na hiwalayan si Marlon dahil nga nagsinungaling diumano ito tungkol sa pagiging binatang ama.

Bukod sa photo nila ni Pia na ipinost ni Marlon sa Instagram, may isa pang video ang lumabas kung saan mapapanood na magkasama ang dalawa sa loob ng kusina. Sa nasabing boomerang video, kasama ng magdyowa ang actor-athlete na si Ivan Carapiet na isang malapit daw na kaibigan ni Marlon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending