Janella umamin na sa tunay na relasyon nila ni Elmo; gaganap na maarteng sirena | Bandera

Janella umamin na sa tunay na relasyon nila ni Elmo; gaganap na maarteng sirena

Jun Nardo |April 05,2017
facebook
share this

Janella umamin na sa tunay na relasyon nila ni Elmo; gaganap na maarteng sirena

Jun Nardo - April 05, 2017 - 12:05 AM

janella salvador at elmo magalona
PROUD pa si Janella Salvador kapag sinasabihan siyang maarte. Nagsimula ang tukso sa kanya nang gawin niya ang Be Careful With My Heart series.

“Kapag sinasabihan akong maarte, wala naman akong nararamdamang inis! Expert ako riyan! Ha! Ha! Ha! There’s nothing wrong naman with being maarte,” rason ni Janella nang makausap ng ilang members ng press.

Kaya naman sa bagong movie niyang “My Fairy Tail Love Story”, swak sa kanya ang role na maarteng mermaid.

“Dream come true para sa akin na lumabas na mermaid. Nang sabihin sa akin na mermaid ako sa next project ko, super-talon ako sa tuwa! Kasi nu’ng 5th birthday ko, mermaid ang theme,” saad pa ng Pop Sweetheart.

‘Yung pagsasalita lang daw niya ang magiging maarte. Tina-try naman daw niyang magsalita ng straight Tagalog pero nagkakamali siya.

Si Elmo Magalona ang kapareha niya sa Regal movie under Jun Lana. Nitong nakaraang 19th birthday niya, binigyan siya ng asalto ni Elmo with matching gift na slippers na Sesame St. limited edition.

Kumusta naman sila ni Elmo? Sila na ba?

“Hindi siya nanliligaw pero we have deep friendship now. Hindi pa ako puwedeng paligaw pero kung meron man, I think my mom would understand,” katwiran niya.

May movie rin siyang ginagawa sa Star Cinema at kasunod nito ang teleserye nila ni Elmo. Kelan lang ay tumanggap siya ng Gold Record at Platinum Record sa self-titled album niya.

Buti naman at maayos na ang mom niya at si Elmo?

“Maayos naman silang dalawa. Walang problema. Ako naman kasi, sumusunod sa rules and regulations ni mom,” banggit pa ni Janella.

Ang napansin lang ni Janella kay Elmo, ginagawa ang lahat para sa kanyang craft.

“Nagtutulungan kaming dalawa. Kaya naman gagalingan niya sa next project. Hindi naman siya ‘yung tamad na bahala na. In fairness naman sa kanya,” rason ni Janella.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa interview na ‘yon kay Janella, nagtititili si Janella nang iparating ni Mother Lily Monteverde na isasali sa December festival ang “My Fairy Tail Love Story.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending