Ang ‘Kano na ka-chat mate na ba ang makakatuluyan? (2) | Bandera

Ang ‘Kano na ka-chat mate na ba ang makakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield |April 05,2017
facebook
share this

Ang ‘Kano na ka-chat mate na ba ang makakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield - April 05, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Lucky ng San Pedro, Alegria, Surigao del Norte

Problema:

  1. May ka chat mate ako sa ngayon pero hindi pa kami nagkikita, almost two years na kasi ang relasyon namin sa internet lang. Nagkikita lang kami sa Skype pero halos araw-araw naman at gabi-gabi kaming nag uusap. Siya ay isang Americano hiwalay na sa una niyang asawa. May pangako siya sa akin na bibisita siya dito sa atin sa darating na buwan ng Mayo.
  2. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil gusto ko sanang malaman kung matutuloy kaya ang kanyang pangako? Compatible ba kami at kami na kaya ang magkakatuluyan?  August 13, 1993 ang birthday ko at December 1, 1979 naman ang birthday ng Americnong ka-chat mate ko.

Umaasa,

Lucky ng Surigao del Norte

Solusyon/Analysis: 

Numerology:

Ang birth date mong 13 ay nagsasabing maraming bigla at hindi inaasahang suwerte ang kusang darating sa iyong buhay, at isa na nga dito ang pagkakaroon mo ng ka-chat mate na  Americano na sa bandang huli ay magiging  daan upang pagdating ng panahon – malaki ang tsansa na sa U.S. ka na rin makapaninirahan.

Astrology:

Ang zodiac sign mong Leo  (Illustration 2.) at Sagittarius naman ang ka-chat mate mong Americano ay nagsasabing sadyang tugma at compatile kayo, dahil ang Sagittarius at Leo ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong fire o apoy. Ibig sabihin sa sasandaling kayo ay nagkatuluyan walang duda magiging maligaya at maging masagana ang itatayo nyong pamilya habang buhay.

Luscher Color Test:

Upang mas mabilis na matupad ang nabanggit ng mga positibong pag-aanalsiasa itaas, lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na dilaw, pula at berde.

Huling payo at paalala:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lucky ayon sa iyong kapalaran, ngayon pa lang ipagdiwang at ipagsaya mo na ang kapalaran, sapagkat sa darating hna buwan ng Mayo matutupad na ang pangako ng ka-chat mate mong Amerciano, papasyal siya sa ating bansa upang makadaupang palad ka ng personal. At sa sandaling tuluyan na kayong nagkita, mabubuo ng kusa pormal at personal ninyong relasyon na hahandatong sa pag-aasawa at sa tuluyan mong na rin paninirahan at pagtyatao ng masaya at pang habang buhay na pamilya sa Amercia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending