Horoscope, April 04, 2017 | Bandera

Horoscope, April 04, 2017

Madam Sophia |April 04,2017
facebook
share this

Horoscope, April 04, 2017

Madam Sophia - April 04, 2017 - 12:05 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Wag isiping tumatanda ka na, marami ka pang magagawa! Simulan na ngayon ang operation unlad-ligaya. Sa pag-ibig, alalahanin kahit may edad ka na magagawa mo pa ring magpaligaya ng kasuyo. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)— Wag kang magpapasulsol sa iba, sapagkat simple lang ang pormula upang umunlad at lumigaya! Sundin ang tinitibok ng puso. Sa ganyang paraan sa pag-ibig at salapi magtatagumpay ka na. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Maroon at lavender ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Unahing tapusin ang mahalaga, upang wag masira ang iyong schedule. Ang pinaka-mahalaga sa lahat ay ang tungkol sa pera at sa pamilya. Mag-concentrate sa nasabing dalawang bagay upang habang buhay kang umunlad at lumigaya. Mapalad ang 3, 16, 25, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Blue at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Gumamit kang lagi ng silver na alahas, makikita mo, sa ganyang paraan kusa mo ng makakamit ang maunlad na pamumuhay. Sa pag-ibig sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo, titibok ang puso hatid ng isang Libra. Mapalad ang 7, 14, 23, 31, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Kung patuloy kang tutulog-tulog, matutulog din ang magandang kapalaran. Siglahan ang iyong pakiramdam. Bukas ng umaga, gumsing na agad bago sumikat ang araw, upan marami kang magawa. Mapalad ang 7, 19, 28, 32, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om” White at yellow ay buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Hindi dapat masilaw sa kinang ng salapi! Alalahaning hindi lahat ng bagay ay nabibili ng pera. Ang tapat at wagas na relasyon ay walang katumbas na halaga – mahalin ng lubos ang iyong kasuyo, dahil pinagtitiyagaan ka nya, kahit ganyan ka! Mapalad ang 1, 4, 7, 34, 43, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Gopalago.” Green at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Panahon na upang hayaan mo lang na may mali at mga pangit na pangyayari, dahil ang negatibong mga bagay na ito ay bahagi ng buhay. Sa ganyang attitude tanggap lang ng tanggap at laging nagpapasalamat kay Lord, mas mabilis kang uunlad at liligaya. Mapalad ang 5, 19, 23, 32, 41, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om” Beige at gray ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— May mangungutang na naman, ipaliwanag sa kanyang wala siyang maaasahan, dahil tulad nya baon ka rin sa utang. Mag-ipon upang kapag dumating ang kagipitan, may madudukot ka! Impluwensyahan din ang kasuyo na matututong mag savings. Mapalad ang 2, 8, 19, 28, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nameh-Om.” Red at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Kahit ano ang mangyari ang tama pa rin ang mananaig sa bandang huli. Sa pinansyal at pag-ibig, laging lumagay sa mabuti at tuwid na daan upang mas mdaling mapasa iyo ang magandang kapalaran. Mapalad ang 7, 18, 25, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om.” Maroon at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag bumigay sa mga problemang dumararing alalahanin mong lagi na Jupiter ang iyong ruling planet. Ibig sabihin isa ka sa mga pinaka-masuwerteng zodiac sign lalo na sa career, habang sa pag-ibig naman sa minsang kabiguan hindi na ito masusunda pa. Mapalad ang 3, 9, 12, 29, 33, at 45. Mahawiga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Wag sisihin ang kasuyo, dahil hindi naman niya kasalanan ang nangyari. Kalimutan na ang nakaraan, upang makapag-concentrate sa kasalukuyan sa mga bagay na mapagkakaperhan. Mapalad ang 2, 11, 19, 27, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Yellow at violet ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Kapag alam mo ng mali hindi mo na dapat gawin. Wag mahirati sa pangungutang na may malaking tubo. Sa pag-ibig, wag na uling lokohin pa ang kasuyo, baka siya mapuno, tuluyan ka na nyang iwanan. Mapalad ang 4, 8, 18, 22, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Om.” Magenta at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Hindi ka naman dapat umimbento ng kuwento para paniwalaan ka. “Be yourself”, at makikita mo, mas uunlad ka at mas magiging maligaya. Sa pag-ibig, magpakatotoong lagi sa minamahal upang patuloy na lumigaya ang relasyon. Mapalad ang 4, 13, 22, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.” Gold at silver ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending