Pia kinompronta si Marlon matapos bumandera na may 2 anak sa ex-GF?

By Reggee Bonoan April 03,2017
share this

Pia kinompronta si Marlon matapos bumandera na may 2 anak sa ex-GF?

By Reggee Bonoan April 03,2017
share this

 

MARLON STOCKINGER AT PIA WURTZBACH

MARLON STOCKINGER AT PIA WURTZBACH

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin tungkol sa balitang may kambal na anak sa pagkabinata ang boyfriend ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na si Marlon Stockinger. Tsika ng aming source, nagtalo raw ang magdyowa dahil dito.

“Actually, nabanggit daw yata ni Marlon noon kay Pia na may naging girlfriend siya pero hindi niya alam kung nagkaanak sila. Tapos parang nawala na ‘yung topic kasi hindi masyadong natutukan.

“Kaya nu’ng tinanong si Pia regarding that issue sa isang event, nagulat siya at totoo naman ‘yung sagot niya na wala siyang alam hanggang sa binalikan niya ng tanong si Marlon. Tapos timing naman na heto na, lumabas na ‘yung truth na umamin na si Kit (Barraquias, ina ng kambal) na si Marlon nga ang biological dad ng kambal.

“Wala akong balita kung ano na ang napag-usapan nina Pia at Marlon since the news came out. Parang nagkaroon sila ng argument, I’m not sure ha, kasi upon checking their social media accounts, parang walang ganap, saka parang in-unfollow na ni Pia si Marlon (sa Instagram),” kuwento sa amin.

Nang tingnan namin ang IG account ni Marlon, hindi rin namin nakita ang pangalan ni Pia na list of followers niya. Balita namin ay pinagbawalan ng kanyang manager si Pia na magbigay ng anumang pahayag tungkol sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending