Erich: Ine-enjoy ko ngayon ang pagiging single! | Bandera

Erich: Ine-enjoy ko ngayon ang pagiging single!

|March 30,2017
facebook
share this

Erich: Ine-enjoy ko ngayon ang pagiging single!

- March 30, 2017 - 12:05 AM

 

erich gonzales

INE-ENJOY ngayon ng Kapamilya actress na si Erich Gonzales ang pagiging single.

Nasa proseso pa rin ng pagmu-move on ang dalaga sa breakup nila ni Daniel Matsunaga. Moving forward ang ginamit na termino ng dalaga sa paghihiwalay nila ng Brapanese model-actor na napapanood ngayon sa I Can Do That ng ABS-CBN.

“Katulad po ng sinabi ko, I am moving forward and I’m enjoying my single life. And katulad nga po ng sinasabi in Spanish, ‘La vida sigue.’ In English, life goes on,” chika ni Erich sa panayam ng isang radio program.

Pagkatapos ng trending episode na ginawa niya sa Maalaala Mo Kaya ilang linggo na ang nakararaan, muling mapapanood ang dalaga sa isa na namang madramang episode ng Ipaglaban Mo ngayong Sabado kung saan gaganap siya bilang isang undercover agent na mapapasabak sa pagsugpo sa isang drug-trafficking syndicate.

Makakasama niya rito ang kontrabida ni Coco Martin sa Ang Probinsyano na si Arjo Atayde.

“Lagi natin siyang nakikita as Joaquin (sa Ang Probinsyano) at laging galit sa mundo. Dito ay iba naman for a change. Siya ‘yung parang girl sa relationship,” chika ni Erich.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending