Sunshine Dizon napikon sa basher na nagsabing 'chaka' ang 'Ika-6 Na Utos' | Bandera

Sunshine Dizon napikon sa basher na nagsabing ‘chaka’ ang ‘Ika-6 Na Utos’

|March 30,2017
facebook
share this

Sunshine Dizon napikon sa basher na nagsabing ‘chaka’ ang ‘Ika-6 Na Utos’

- March 30, 2017 - 12:20 AM

sunshine dizon

PALABAN talaga Sunshine Dizon sa mga bashers. Talagang sinasagot niya ang mga nanlalait at nang-ookray sa kanya kung kinakailangan.

Sa kanyang Twitter account, hindi napigilan ng Kapuso actress na resbakan ang netizen na nagsabing “chaka” ang afternoon series niyang Ika-6 Na Utos sa GMA 7 kung saan kasama niya sina Gabby Concepcion at Ryza Cenon.

Isang @carmex4ever ang nag-tweet na “chumachaka” raw ang kuwento ng soap opera nina Sunshine. Sagot ni Sunshine, mag-ingat daw sa kanyang sinasabi ang netizen at huwag maging bitter.

Sagot naman ng basher, “What? Y should i be careful? Did i say something foul? FYI since day 1 reg viewer ako ng show mo. Gaganda ng twits ko sayo.” Na sinagot naman ng aktres ng, “Puso mo, pwede pong wag manood kung ayaw na di naman kailangang bitter.”

Dagdag pa ni Sunshine, “No to nega, pls unfollow me na po. If you have nothing nice to say dont say na lang po.”

Muling nag-tweet ang kaaway ng aktres at sinabihan siya na maging humble naman at huwag maging mayabang. Reply naman ng Ika-6 Na Utos leading lady, “Hindi po ako mayabang, ang akin lang wag nyo po akong itag kung ang choice of words nyo ay ‘chaka ang show’ pwede pong wag manood.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending