B-day wish ni Kathryn natupad sa Palawan | Bandera

B-day wish ni Kathryn natupad sa Palawan

|March 30,2017
facebook
share this

B-day wish ni Kathryn natupad sa Palawan

- March 30, 2017 - 12:01 AM

daniel padilla at kathryn bernardo

KILIG pa more! Nag-trending na naman ang sweet photos ng rumored couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na kuha sa napakagandang resort ng El Nido, Palawan.

Mabilis na kumalat ang mga litrato sa social media matapos itong ipost ni Kathryn at ng mga kaibigan nilang kasama sa isla sa Instagram. Libu-libo agad ang nakuha nitong likes at comments mula sa followers ng KathNiel tandem.

Sa El Nido kasi nag-celebrate ng kanyang 21st birthday si Kathryn na matagal na niyang gustong gawin. Of course, mawawala ba sa eksena si Daniel at ang ilang malalapit na kaibigan ng Kapamilya Drama Princess.

Ayon kay Kathryn isa sa mga nasa bucket list ni Kath ang makapagbakasyon sa Palawan with her loved ones. Kaya bago pa man sila muling sumabak ni DJ sa patayang trabaho with their new series, ang La Luna Sangre, talagang kinarir na nila ang pagbabakasyon.

In fairness, muling pinakilig nina DJ at Kath ang kanilang fans sa mga photos nila sa Palawan, may nagsabi pa nga na sana doon na rin daw magpakasal ang dalawa in the future dahil napakaganda ng lugar.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending