Ayaw maging ‘kabit’ habambuhay (2) | Bandera

Ayaw maging ‘kabit’ habambuhay (2)

Joseph Greenfield |March 30,2017
facebook
share this

Ayaw maging ‘kabit’ habambuhay (2)

Joseph Greenfield - March 30, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Nida ng San Pedro, Puerto Princesa City, Palawan

Problema:

  1. Ang buong akala ko ay hinata itong lalaking nanligaw sa akin two years ako na ang nakakalipas kaya naman sinago ko siya. Pero ng mabuntis ako at ibinahay nya doon ko lang nalamang may asawa pala siya at pamilyadong tao. Mula noon pakiramdam ko niloko at trineydor nya ako, kaya lang hindi ko magawang makipag hiwalay sa kanya kasi nga may anak kami at isa pa wala akong trabaho noon. Pero ngayon may trabaho na ako at ayaw ko na talaga sa kanyang makisama dahil hindi ko pinangarap na magiging kabit na lang ako habang buhay.
  2. Kaya ang itatanong ko sa inyo ay kung mangyayari kaya ang balak ko na hiwalayan na ang ka live-in ko at muli akong mag-asawa ng isang binata na papakasalan ako, magiging aking talaga at makakasama ko sa isang tahimik at panghabang buhay na pamilya? March 25, 1991 ang birthday ko.

Umaasa,

Nida ng  Palawan 

Solusyon/Analysis:

Astrology:

Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing kung magsisimula ka ng mag-ayos ng mga papeles sa ngayon para makapag-abroad, tulad ng nasabi na maaaring bago matapos ang taong ito ng 2017, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran at sa ibang bansa isang lalaking Sagittarius ang iyong makikilala.

Numerology:

Ang birth date mong 25 ay nagsasabing bukod sa isang Capricorn ang lalaking magpapadama sa iyo ng tunay na pagmamahal at mag-aalok sa iyo ng kasal, siya ay maaaring isinilang din sa petsang 4, 13, 22, o kaya’y 31.

Luscher Color Test:

Kapag nasa abroad ka na ugaliin ang pagsusuot ng kulay na berde at pula. Ang nasabing kulay ang lalo pang hihigop  ng suwerte at magandang kapalaran.

Huling payo at paalala:

Nida  ayon sa iyong kapalaran wala sa ating bansa ang kapanatagan ng isip at kaligayahan ng damdamin, bagkus ito ay matatagpuan mo sa malayong lugar. Kaya nga anuman ang ginawa mo sa ngayon, mas makabubting lakas loob kang mag-aplay sa abroad sapagkat nakatakda na ang magaganap sa huling hati ng taong ito ng 2017 sa buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre sa edad mong 26 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong karanasan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending