JM de Guzman bumalik ang kagwapuhan, nakabawi na | Bandera

JM de Guzman bumalik ang kagwapuhan, nakabawi na

Jun Nardo |March 28,2017
facebook
share this

JM de Guzman bumalik ang kagwapuhan, nakabawi na

Jun Nardo - March 28, 2017 - 12:55 AM

JM DE GUZMAN

JM DE GUZMAN

KUMAKANTA habang naggigitara ang bagong post ng aktor na si JM de Guzman sa kanyang Instagram account.

Siyempre, ang pagkanta ang libangan niya ngayon dahil wala pa namang offer na dumarating sa kanya para magbalik sa akting.

Bukod sa pag-arte ay magaling din na singer si JM, in fact nagkaroon pa nga siya ng album noon. Mas nabigyang pansin nga lang ang kanyang galing sa pag-arte nang mabigyan siya ng sunud-sunod na break sa TV at movie.

In fairness, malinis na ang dating ng mukha ni JM. Marami pa ring followers niya ang guwapung-guwapo sa kanya, huh! Kaya naniniwala kami na may babalika pa namang career ang binata sa mundo ng showbiz pagkatapos ng hinarap niyang personal na problema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending