P287M jackpot ng Ultra Lotto bukas | Bandera

P287M jackpot ng Ultra Lotto bukas

Leifbilly Begas |March 27,2017
facebook
share this

P287M jackpot ng Ultra Lotto bukas

Leifbilly Begas - March 27, 2017 - 01:45 PM
ultra lotto Inaasahang aabot sa P287 milyon ang halaga ng jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola bukas ng gabi.     Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nanalo sa P278.2 milyong jackpot prize sa bola noong Linggo ng gabi.     Lumabas ang winning number combination na 39-17-44-1-12-13 sa pinakahuling bola.     Nanalo naman ng tig-P208,190 ang 10 mananaya na nakakuha ng limang numero.     Tig-P1,770 naman ang napanalunan ng 939 mananaya na nakapaat na numero at balik ang P20 taya ng 24,583 mananaya na nakatatlong numero.     Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending