Rain or Shine Elasto Painters nauwi ang ika-3 diretsong panalo | Bandera

Rain or Shine Elasto Painters nauwi ang ika-3 diretsong panalo

Melvin Sarangay , |March 26,2017
facebook
share this

Rain or Shine Elasto Painters nauwi ang ika-3 diretsong panalo

Melvin Sarangay - , March 26, 2017 - 11:00 PM

Mga Laro sa Miyerkules
(Mall of Asia Arena)
4:15 p.m. Alaska vs Mahindra
7 p.m. Rain or Shine vs Meralco

NAKISALO sa top spot ang Rain or Shine Elasto Painters matapos patumbahin ang Blackwater Elite, 95-88, at masungkit ang ikatlong diretsong panalo sa kanilang 2017 PBA Commissioner’s Cup elimination round game Linggo sa Ynares Center, Antipolo City.

Naghulog si Jay Washington ng magkasunod na 3-pointers sa huling 2:45 ng laro para tulungan ang Elasto Painters na itayo ang 93-88 kalamangan at maiwanan ang Elite na nangapa sa huling bahagi ng laban.

Kumamada si Shawn Taggart ng 26 puntos at 12 rebounds para pangunahan ang Elasto Painters na nakisalo sa itaas ng team standings kasama ang Meralco Bolts sa hawak na 3-0 record.

Nag-ambag naman si Maverick Ahanmisi ng 12 puntos, tatlong rebounds at dalawang assists mula sa bench habang si Jericho Cruz ay nagdagdag ng 12 puntos para sa Rain or Shine.

Gumawa naman si Greg Smith ng 34 puntos at 20 rebounds para pamunuan ang Elite na nalaglag sa 0-3 kartada.

Kumana naman si Reil Cervantes ng 12 puntos habang si Kyle Pascual ay nagdagdag ng 10 puntos para sa Blackwater.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending