Maymay: Kung may babalikan ako sa Bahay Ni Kuya yun ay ang... | Bandera

Maymay: Kung may babalikan ako sa Bahay Ni Kuya yun ay ang…

Julie Bonifacio |March 26,2017
facebook
share this

Maymay: Kung may babalikan ako sa Bahay Ni Kuya yun ay ang…

Julie Bonifacio - March 26, 2017 - 09:00 PM

maymay entrata

Photo source: entertainment.abs-cbn.com

SUMABAK na sa larangan ng aktingan ang Pinoy Big Brother Lucky Season 7 Big Winner na si MayMay Entrata. Siya mismo ang gumanap sa kanyang life story sa Maalaala Mo Kaya last Saturday.

Bago ang aktwal na taping niya para sa programa ni Charo Santos, sumalang muna sa workshop si MayMay. Tiyak na ginamit ni MayMay ang mga natutunan niya mula kay Direk Rory Quintos na idinirek siya sa drama special na ginawa nila sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sobrang na-enjoy ni MayMay ang pag-arte niya that time. In fact, when we asked her right after i-announce na siya ang bagong PBB Big Winner kung ano ang babalikan niya na mga ginawa nila sa loob ng Bahay ni Kuya, yun ay ang training nila sa pag-arte.

“Isa sa happiest moment ko talaga, kasi everyday ang mga nangyayari sa loob ng bahay ni Kuya talagang memorable and everything. Tapos si-guro doon po sa light-drama po. Kasi, hindi ako makapaniwala na makakapag-acting ako,” ani MayMay.

Hindi raw niya akalain na magagawa niyang umarte na isa sa mga kinatatakutan daw niya habang nasa loob ng PBB house.

Nagtrabaho sa Japan ang kanyang ina noon at never na niyang nakita ang kanyang ama na iniwan sila noong one year old pa lang siya. Hindi naman naghanap si MayMay sa kalinga ng ama dahil sa suporta ng mapagmahal niyang lola and her strict but loving grandfather.

Kaya lang namatay ang kanyang lolo habang nasa loob pa siya ng PBB house due to heart complications.

Halos gumuho ang mundo ni MayMay noon at ayaw na niyang bumalik sa PBB after given a permission na makarating sa burol ng kanyang lolo.

Mabuti na lang at naisipan ni MayMay na bumalik ng Bahay ni Kuya pagkatapos
maalala ang desire niya na suportahan ang kanyang pamilya. Fortunately, her courage paid off as she is crowned as the Big Winner of PBB Season 7.

Si Vina Morales ang gumanap na ina ni MayMay sa MMK, habang ang veteran actor naman na si Dante Rivero ang lolo niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending