Horoscope, March 27, 2017 | Bandera

Horoscope, March 27, 2017

Madam Sophia |March 27,2017
facebook
share this

Horoscope, March 27, 2017

Madam Sophia - March 27, 2017 - 12:05 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung sadyang sa iyo nakalaan ang magandang kapalaran, mapupunta sa iyo yon ng kusa! Wag masyadong pagurin ang sarili sa mga walang kabuluhang ginawa. Sa pag-ibig kusang iinit ang relasyon. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Red at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Wag masyadong magtiwala sa sarili, dapat mo ring pa-kinggan ang mungkahi ng ibang tao. Sa pag-ibig, mas magiging okey ang inyong suyuan kung lagi mo tatanungin ang iyong kasuyo kung ano ba ang kanyang gusto? Mapalad ang 1, 13, 21, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Silver at maroon ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa pagtulong sa kapwa at sa pagsali sa mga religious activities, lalo kang susuwertehin. Sa pag-ibig yayain din ang kasuyo sa mga gawaing pagtulong sa kapwa at religious activities upang dalawa kayong pagpalain. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jana-Krisna-Rama-Om.” Blue at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Sa pinansyal, habang umiinit ang panahon tuloy ang pagdating malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, sa pagsusuot ng kulay na pula, masarap na experience sa aspetong pangsekswal at emosyonal ang mararanasan. Mapalad ang 1, 10, 17, 28, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mira-Om-Miraculum.” Yellow at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Sa pinansyal at pag-ibig, hindi ka uunlad at hindi ka ring magiging maligaya kung mananatili kang nag-iisa. Kasuyong isinilang sa zodiac sign na Capricorn ang magpapayaman at magbibigay sa iyo ng kakaibang ligaya. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Magandang balita ang matatanggap! May mag-aalok ng pagkakakitaan – sunggaban agad. Sa pag-ibig, ngayon pa lang iplano na ang pagbabakasyon sa Ilocos o kaya’y sa Boracay. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 39, at 42. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Om.” Emerald green at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Tandaang hawak mo ngayon ang iyong kapalaran, ngayon ka na magsipag upang yumaman. Sa pag-ibig, puntahan na ngayon ang kasuyo matampuhin – dalan siya ng pagkaing lusaw, malamig na matamis. Mapalad ang 5, 16, 23, 33, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Gray at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Kung may nagawang pagkakamali wag ng ulitin pa. Panahon ngayon ng pagbabagong buhay at pagpapakabuti. Sa pag-ibig, manatiling tapat sa kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Beige at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa pag-ibig kung ayaw mong dayain ka ng iyong kasuyo, wag mo rin siyang lolokohin. Sa pinansyal, mas mabilis kang uunlad at yayaman kung magiging tapat sa sinomang ka-transaksyon at kausap. Mapalad ang 4, 12, 24, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet at maroon ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pinansyal, isang Aries ang tutulong sa iyo upang malusutan ang mga problema. Sa pag-ibig, may masarap na romansa dulot ang pakikipag-relasyon sa isang Gemini. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om-Mahata.” Purple at violet ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa panahong ito ng tag-araw hindi ka dapat maging agresibo. Sa pinansyal dahan-dahan lang sa paggastos, alalahanin mong mabilis maubos ang pera. Sa pag-ibig, wag pilitin ang kasuyo hayaan mong bumigay siya ng kusa. Mapalad ang 4, 8, 18, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Beige at black ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Sa panahong ito ng tag-init ngingiti ang suwerte kung marunong kang magpatawad. Sa pag-ibig, kalimutan na ang maling nagawa ng kasuyo. Sa pinansyal, patawarin mo na rin yong mga nangutang sa inyo na ayaw ng magbayad. Mapalad ang 5, 17, 23, 26, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Red at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa buwang ito ng Marso hanggang Abril anoman ang iyong gawin tiyak na ikaw ay susuwertehin. Sa pinanasyal may malaking halaga ng salapi na darating. Sa pag-ibig, tuloy ang isang romantiko at masayang relasyon sa malayong lugar. Mapalad ang 2, 16, 29, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Maroon at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending