Lapastangang nobyo | Bandera

Lapastangang nobyo

Joseph Greenfield |March 27,2017
facebook
share this

Lapastangang nobyo

Joseph Greenfield - March 27, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Zarina ng San Roque, Cainta, Rizal
Dear Sir Greenfield,
Akala ko po ay mabait at mapagkakatiwalaan si Robert kaya noong manligaw siya sa akin sa FB sinagot ko siya at nagkita kami. Mula noon naging okey naman kami hanggang sa dumating yong ika-apat naming pagkikita. Inaya niya ako sa birthday ng isang kaibigan nyang babae kaya sumama naman ako. Nag-inuman kami, at doon dinahas nya ako kahit ayaw ko. Wala akong nagawa dahil dalawa lang kami sa kuwarto at medyo lasing pa ako noon. Kaya matapos mangyari yon nakipag-break ako sa kanya. Pero sa ngayon nangu-ngulit siya at nakikipag-balikan. Ang gusto ko pong itanong ay kung dapat ba akong makipagbalikan pa sa kanya o hayaan ko na lang siya, kahit medyo mahal ko pa rin naman siya sa ngayon? November 4, 1993 ang birthday ko at July 7, 1992 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Zarina ng Rizal
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Wala namang problema, dahil iisa lang ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na kung sino ang una mong naging boyfriend at minahal ng labis at lubos, ang lalaki na ring ito ang iyong makakatuluyan at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pa-milya.
Cartomancy:
Eight of Hearts, Ace of Diamonds, at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung mayaman o may kaya sa buhay ang boyfriend mong lapasta-ngan, malaki ang posibilidad na sa bandang huli ay patatawarin mo rin siya, muli kayong magkakabalikan at magiging okey na uli ang lahat.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending