Horoscope, March 26, 2017 | Bandera

Horoscope, March 26, 2017

Madam Sophia |March 26,2017
facebook
share this

Horoscope, March 26, 2017

Madam Sophia - March 26, 2017 - 12:05 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pinansyal, ang pagyaman ang nagpapasaya at magagawa mo ‘yan, dahil ang mga isinilang sa petsang 26 ay talaga namang yumayaman. Sa pag-ibig, kung kapwa kayo happy ng kasuyo, mas maraming pera ang darating. Mapalad ang 4, 17, 25, 31 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Yellow at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Itaas pa ng itaas ang pangarap, dahil sa summer na ito ang lahat ng iyan ay isa-isa ng matutupad. At dahil init o fire ang iyong elemento, sa panahong ito ng tag-init may pangako ng mas maunlad at mas masagang karanasan. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Om.” Orange at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Wag ma-sad kahit unti-unti ng nauubos ang pera. Sa darating na buwan ng Abril muling aangat ang kabuhayan. Maraming biglaang pera ang darating. Sa pag-ibig, puwede ng pagtsagaan ang isang Scorpio. Mapalad ang 3, 9, 17, 26, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Kahit na pumalpak ang diskarte noong nakaraan mga araw, hindi masama kung magsisimula ka uli ngayon. Sa pinansyal magdagdag ng investment upang madagdagan din ang kinikita. Sa pag-ibig, wag ng ulitin ang nakaraang pagkakamali. Mapalad ang 1, 7, 19, 25, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Regama-Mayabeeja”. Green at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Lakas ng loob ang kailangan upang yumaman. Sa pag-ibig, wag mahirati sa pag-iisa, kung magkakaroon ka ng kaparehang isinilang sa petsang 5, 14, at 23, mas mabilis kang yayaman at liligaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Devadhi.” White at purple ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa panahong ito ng tag-araw, samantalahin ang magagandang pagkakataong dumarating. Magagawa mo na ngayong doblehin ang iyong income. Sa pag-ibig, may umaalis upang pagkatapos may dumating na mas masaya. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: Egosum-Obre-Egosum-Ente” Maroon at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa pag-ibig, wag makipaglandian kung kani-kanino. Sa pinansiyal, habang dumadami ang tukso patuloy namang uunlad at sasagana ang kabuhayan. Mapalad ang 5, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Silver at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Ngayong tag-araw ituloy ang planong pamamasyal sa malayong lugar, upang lalong matuwa at magkaroon ng bonding ang inyong pamilya. Sa pag-ibig, saan man gumimik wag kalimutang bitbitin ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 5, 10, 31, 34, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sacheda-Ramada-Om.” Metallic blue at violet ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Hindi pa tapos ang iyong suwerte. May darating pang mas malaki sa buwan ng Abril hanggang Mayo, basta’t relaks ka lang. Sa pag-ibig, muling mag-aalab ang relasyon habang umiinit ang panahon. Mapalad ang 3, 15, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Savitre-Om.” Red at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tanggapin ang inaaalok na paglalakbay ng isang kaibigan. Sa malayong lugar, matatagpuan ang kapayapaan ng isipan at magandang kapalaran. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum- Padha-Bhuti-Om.” White at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Wag sumawsaw sa suliranin ng iba makakagulo lang sa iyong yan, sa halip, ngayong malapit na ang Holy Week mas mainam na umiwas sa pakikipag-tsismisan. Sa pag-ibig, tuloy lang ang pakikipag-relasyon sa isang Virgo kahit na maraming lihim na naiingit. Mapalad ang 4, 14, 27, 33, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at violet ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Walang anu-ano biglang mapapasa iyo ang magagandang kapalaran. Ang dapat lamang gawin ay matutong magpasalamat. Mamayang gabi, sa harap ng altar magsindi ng kulay green na kandila at ipagpasalamat ang lahat ng mga biyayang natanggap. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rama-Krisna-Om.” Bukod sa green buenas ang yellow.
Pisces – (February 19 – March 20) — Sa panahong ito ng tag-init iwasang mag-isip ng hindi maganda! Sa negosyo, sa pagiging negatibo maraming mawawalang oportyunidad. Sa pag-ibig, kung lagi kang nagdududa paano ka makakasumpong ng maligayang pag-ibig? Mapalad ang 8, 19, 29, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ara-Han-Tha-Anam-Om”. Gold at green ang buenas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending