Makakapasa na ba sa board exam? (2) | Bandera

Makakapasa na ba sa board exam? (2)

Joseph Greenfield |March 26,2017
facebook
share this

Makakapasa na ba sa board exam? (2)

Joseph Greenfield - March 26, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Ma. Victoria ng St, Francis Village, Bagbag, Lapu-Lapu City
Problema:
1. Mahigit na isang taon na akong gradweyt ng kursong Accountancy at nagre-review ako sa ngayon at balak kong kumuha ng board exam sa susunod na taong 2018. Nais ko pong itanong kung kukuha ako next year, makakapasa kaya ako?
2. At may balak din po akong mag-aplay ng work sa New Zealand na doon na kasi ang pinsan ko at tutulungan daw niya ako. Kaya tanong ko na rin kung may pag-asa kaya akong makapag-abroad at maging immigrant o citizen sa nasabing bansa? May 28, 1994 ang birthday ko.
Umaasa,
Ma. Victoria ng Lapu-Lapu City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ay nagsasabing walang tigil na pag-aabroad at pangingibang bansa ang magaganap sa iyong kapalaran at ito ay magsisimulang mangyari sa edad mong 25 o kaya’y 28 pataas.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabi namang sa pag-aasawa susuwertehin ka higit lalo kung ang lalaking iyong makakaisang dibdib ay isinilang sa petsang 4, 13, 22, o kaya’y 31. Tulad ng nasabi na, ang lalaking ito ay maaaring makilala mo sa ibayong dagat.
Luscher Color Test:
Samantala upang masigurado ang pagpasa sa anumang pagsusulit sa susunod na taong 2018, sa mismong araw ng pagsusulit magsuot ka ng kulay na asul, silver o kaya’y gray. Sa ganyang pampasuwerteng kulay, sigurado na ang magaganap, walang duda, makakapasa ka sa CPA board exam.
Huling payo at paalala:
Ma. Victoria tulad ng ipinapahiwatig ng iyong pangalan, “Victory” tiyak na ang mga pagwawagi na itatala sa iyong kapalaran at ito ay magsisimula ng maganap sa susunod na taong 2018 sa pag pasangpag-pasa mo sa CPA board exam sa edad mong 24 patas, lilipas ang mga apat hanggang limang taon pa, sa 2023, sa edad mo namang 29 pataas, itatala ang pangingibang bansa na saang bansa ka man mapadpad, ang iyong tahdana ang nagsasabing doon ka na makapag-
aasawa, mamumuhay ng masagana at maligaya sa piling ng iyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending