Sarah sa project nila ni Daniel: Sana matuloy, pero di kami pwedeng loveteam! | Bandera

Sarah sa project nila ni Daniel: Sana matuloy, pero di kami pwedeng loveteam!

|March 26,2017
facebook
share this

Sarah sa project nila ni Daniel: Sana matuloy, pero di kami pwedeng loveteam!

- March 26, 2017 - 12:01 AM

DANIEL PADILLA AT SARAH GERONIMO

DANIEL PADILLA AT SARAH GERONIMO

EXCITED na rin si Sarah Geronimo sa posibleng pagsasama nila ni Daniel Padilla sa isang project.

Umaasa ang Pop Princess na ipu-push ito ng ABS-CBN at Viva Artist Agency na siyang nangangalaga sa kanyang career.

“Pero hindi kami puwedeng loveteam dito pero titingnan natin kung anong puwedeng gawin,” chika ni Sarah G nang makapanayam ng ilang reporter.

Aniya, hinding-hindi raw niya in-expect na magkakaroon ng clamor ang madlang pipol na pagsamahin siya sa pelikula o teleserye. Super flattered din ang singer-actress sa sinabi ni Daniel at ng girlfriend nitong si Kathryn Bernardo na idol na idol daw siya ng mga ito.

Naaalala pa nga raw niya ang episode ng dati niyang musical show sa Dos kung saan naging guest niya si DJ, “Sa Sarah G Live pa nu’n. Ang payat pa niya nu’n, totoy na totoy pa. Na-endear na talaga ako sa kanya kasi nakikita ko sa kanya iyong kapatid ko.

“Tapos cute naman talaga si Daniel so matagal ko nang sinasabi kay Boss Vic (del Rosario ng Viva Entertainment) na sana magkatrabaho kami, pero pa-joke lang na, ‘Parang pabata ng pabata iyong mga leading men ko. Daniel Padilla naman diyan.’

“Hindi ko inakala na darating tayo sa point na magkakaroon din ng interes na, ‘Parang puwede yata.’ Kasi feeling ko ang tanda ko na for him. Pero nae-excite ako,” chika pa ng GF ni Matteo Guidicelli.

Kung matatandaan, mismong si Daniel pa ang nag-request sa Star Magic head na si Johnny Manahan na pagsamahin sila ni Sarah sa isang project, “Nasabi ko kay Mr. M na kung magkakaroon man ako ng movie na iba (ang kasama), si Miss Sarah Geronimo sana. Yun lang naman yun. Sabi niya siya na raw bahala.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending