Maymay inaatake pa rin ng nerbyos pag nakakakita ng artista: Oh My God talaga! | Bandera

Maymay inaatake pa rin ng nerbyos pag nakakakita ng artista: Oh My God talaga!

Ervin Santiago |March 25,2017
facebook
share this

Maymay inaatake pa rin ng nerbyos pag nakakakita ng artista: Oh My God talaga!

Ervin Santiago - March 25, 2017 - 11:35 AM

STARSTRUCK pa rin at inaatake ng nerbiyos si Pinoy Big Brother Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata sa tuwing nakakakita ng mga sikat na artista, lalo na ang mga Kapamilya stars. Ayon sa dalaga, parang nananaginip pa rin daw siya sa tuwing makakausap ang mga favorite niyang celebrities.  And until now ay hindi pa rin siya makapaniwala na darating ang panahon na makakasama at makakatrabaho niya ang kanyang mga idolo.   Sabi nga ng dalaga sa isang panayam, “Excited na excited ako na nakikita ko sila palagi. Hindi ako makapaniwala na nakakasalamuha ko na sila araw-araw. Oh my God!” 

Kahit ang ka-loveteam ni Maymay sa PBB na si Edward Barber na lumaki sa Germany ay excited na rin sa pagpasok nila sa mundo ng showbiz. Masaya raw siya na nakikilala na niya ang mga sikat na artista sa Pilipinas. Ipinakikilala raw siya nina Maymay at Kisses Delavin (former PBB housemate rin) sa mga nakakasama nilang celebrities.

“I didn’t know many pero because of Maymay and Kisses especially they told me a lot!” ang chika ni Edward sa interview ng ABS-CBN.

Nang tanungin kung anong mensahe nina Maymay at Edward sa sandamkamak na supporters ng tambalang MayWard na atat na atat na sa mga gagawin nilang projects together in the future, ito ang sabi ng binata, “It’s exciting for us that we can make other people excited about the things we might do, we could do. So excited to do whatever comes.”

Sey naman ni Maymay, “Nakakatuwa po isipin na nag-expect sila, nae-excite sila ganyan, kung ano mangyayari sa amin ni Edward.”

Samantala, ngayong gabi na mapapanood ang makulay, madrama at inspiring na life story ni Maymay sa Maalaala Mo Kaya. Sumailalim muna ang dalaga sa acting workshop bago sumalang sa kanyang unang acting project at hinding-hindi niya raw malilimutan ang naging experience niya rito.

Promise naman ng sandamakmak na fans ng tambalang MayWard, 100 percent ang ibibigay nilang suporta sa dalawa at ipagdarasal nila ang tagumpay ng bagong pambatong tambalan ng Kapamilya Network.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending