Good karma: Julia sinuwerte sa career nang makatambal sina Ronnie at Joshua | Bandera

Good karma: Julia sinuwerte sa career nang makatambal sina Ronnie at Joshua

Ambet Nabus |March 25,2017
facebook
share this

Good karma: Julia sinuwerte sa career nang makatambal sina Ronnie at Joshua

Ambet Nabus - March 25, 2017 - 12:01 AM

joshua julia ronnie

KAMI man ang lumagay sa katayuan ni Julia Barretto, mahihirapan din kaming sagutin ang tanong kung sino kina Ronnie Alonte at Joshua Garcia ang perfect leading man o puwedeng maging ka-loveteam?

Magkaiba ng appeal ang dalawang binata at pareho nga silang masarap panoorin kasama si Julia.

Kasuwerteng Julia Barretto! Ha-hahahaha! Sa totoo lang, nag-eenjoy kami sa mga ginagawa nilang projects.

Although nakakalamang si Ronnie sa panahong ito dahil gabi-gabi ang A Love To Last series nila ni Julia, while si Joshua naman ay napanood recently sa MMK kasama ang dalaga.

Basta sinuwerte si Julia dahil naitambal sa kanya sina Ronnie at Joshua, biglang bumandera ang tag sa kanya ng “next important young actress” sa kanyang henerasyon.

Imagine, ilang young actor na rin ang naitambal sa kanya simula nang magsimula siya sa showbiz pero parang walang nangyari sa kanyang career.

Pero nang gawin nila nina Ronnie at Joshua ang MMFF 2016 entry na “Vince & Kath & James” ay biglang bawi naman ang dalaga. Pinuri sila ng mga manonood sa kanilang proyekto at talagang kumita rin sa takilya ang pelikula.

‘Yan ang tinatawag na good karma dahil sa mga kabutihang ginagawa ni Julia sa kanyang personal na buhay, kabilang na riyan ang pakikipag-ayos niya sa kanyang amang si Dennis Padilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending