'Probinsyano' ni Coco marami pang pasabog, extended uli | Bandera

‘Probinsyano’ ni Coco marami pang pasabog, extended uli

Cristy Fermin |March 25,2017
facebook
share this

‘Probinsyano’ ni Coco marami pang pasabog, extended uli

Cristy Fermin - March 25, 2017 - 12:10 AM

yassi pressman at coco martin

MUKHANG mauudlot ang planong tapusin na ang seryeng Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Kung dati’y umikot na ang kuwentong tatapusin na ang serye dahil papasok na si Robin Padilla, ngayon ay muling nabuhayan ng pag-asa ang mga tagasubaybay ng programa, dahil may teaser na nagsasabing matatagalan pa ang pagsasama ng manonood at ng istoryang halos dalawang taon nang tinatangkilik ngayon ng mga Pinoy.

Tuloy pa rin ang ligaya, maaksiyong-maaksiyon pa rin ang mga eksena sa Ang Probinsyano, panahon na ngayon ng paghihiganti ni Ricardo Dalisay sa mga taong umapi sa kanyang pamilya.

Palaging kaabang-abang ang serye, hindi lang kasi si Coco ang minahal na ng manonood, kundi pati ang kanyang mga kapwa artista lalo na ang mga batang napakahuhusay umarte.

Nakikipagpagalingan sa pag-arte sina Onyok at Awra, pati ang batang si Paquito na hinugot lang ng produksiyon sa taping nila sa Cebu City, nandu’n pa ang magandang si Yassi Pressman at si Manang Inday (Susan Roces) na mahahalaga ang papel na ginagampanan sa serye.

Kakaiba ang karismang meron si Coco Martin. Kanyang-kanya ang entablado ng aksiyon sa telebisyon ngayon, kinabog na niya ang mga dating naghahari-harian, hawak ni Coco ang dahilan kung bakit ayaw nang matapos ng mga kababayan natin ang serye.

“Maraming-marami pa tayong pagsasamahan,” sabi ng teaser ng Ang Probinsyano, kaya naman nagpipista ang bawat Juan at Maria sa ating bayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending