‘Walang kontrata si Eula Valdez sa GMA 7!’ | Bandera

‘Walang kontrata si Eula Valdez sa GMA 7!’

Reggee Bonoan |March 25,2017
facebook
share this

‘Walang kontrata si Eula Valdez sa GMA 7!’

Reggee Bonoan - March 25, 2017 - 12:35 AM

eula valdez

“WALANG kontrata si Eula (Valdez) sa GMA po, kaya anytime puwede siyang lumipat ng ibang network.” Ito ang pahayag sa amin ng kampo ng aktres dahil pinaratangan siyang balimbing sa paglipat nito ng ABS-CBN.

Umeere pa raw kasi ang Encantadia kung saan gumaganap na kontrabida si Eula pero heto’t nakipag-pictorial na sa bagong teleserye ng Dreamscape Entertainment na Kung Kailangan Mo Ako.

Katwiran pa sa amin, “Tapos nap o ang papel ni Eula sa Encantadia, wala na rin siyang eksena du’n.”

As of now ay hindi pa naman nagte-taping ang Kung Kailangan Mo Ako at ang ginanap na pictorial ay para sa gaganaping Trade Event sa Marso 30.

Nainis daw kasi ang mga taga-GMA sa ginawa ng aktres. Gusto naming isiping malaking kawalan sa GMA si Eula kaya maraming nagagalit dahil kung hindi ay siguradong dedma lang sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending