Pagsabog sa minahan: 1 patay, 1 sugatan | Bandera

Pagsabog sa minahan: 1 patay, 1 sugatan

John Roson |March 24,2017
facebook
share this

Pagsabog sa minahan: 1 patay, 1 sugatan

John Roson - March 24, 2017 - 01:45 PM
Ph_locator_kalinga_tinglayan Isang lalaki ang nasawi at isa pa ang malubhang nasugatan sa pagsabog sa minahan sa Balbalan, Kalinga, ayon sa pulisya. Agad nasawi si Edward Cawilan habang sugatan si Mangwag Bogyaon, ayon sa ulat ng Cordillera regional police. Naganap ang pagsabog dakong alas-2:30 ng hapon Miyerkules sa Gaang mines sa Brgy. Talalang. Ang Gaang ay isang small-scale mining area na sinimulang dagsain ng tao noong dekada 80 matapos makatagpo ng mga nugget ng ginto malapit sa Saltan River. Aksidente umanong tinamaan sina Cawilan at Boyaon nang may gumamit ng pampasabog sa minahan, ayon sa pulisya. Dinala na ang sugatan sa Kalinga Provincial Hospital para malunasan.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending