Horoscope, March 24, 2017 | Bandera

Horoscope, March 24, 2017

Madam Sophia |March 24,2017
facebook
share this

Horoscope, March 24, 2017

Madam Sophia - March 24, 2017 - 12:05 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa araw na ito, habang nakasuot ng kulay na pula ay malaking halaga ang maibubulsa. At sa araw ding ito sa pag-ibig, magugulat ka, darating ang isang kakaakit-akit na Libra. Mapalad ang 3, 12, 24, 30, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Dabra.” Bukod sa red buenas ang violet.

Aries – (Marso 21-April 19) — Kahit may malaking gastusin, malaking halaga naman ng salapi ang biglang darating. Sa pag-ibig, kung sino ang magbigay ng regalong kulay “red” siya ang tunay na nagmamahal sa iyo. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bis-Bnevit-Om.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Wag makontento sa pagtunganga! Simulan ang pagkilos upang lalo pang dumami ang salapi. Samantalahin mo ang magagandang pagkakataong dumarating. Sa pag-ibig, tuloy ang masayang pakikipagrelasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Mag-concentrate sa iisang gawain lamang. Kung hindi ka magpapabago-bago ng isipan, mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, ibuhos ang todong pagmamahal sa kasuyong Libra. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Silver at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — May babala ng karamdaman! Nangangailangan ng pahinga upang muling mapasigla ang pangangalakal. Sa pag-ibig, mag-request sa kasuyo ng pagkaing sari-saring gulay at sariwang mga prutas upang lalo pang maging healthy ang pangangatawan. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Kaiingitan ka ng iyong mga kaibigan, hindi mo kasi sila pinapansin! Sa isang pagtitipon, imbitahan ang mga kaibigan, maaari mo silang pagkakitaan. Sa pag-ibig, makuntento sa kasuyong Aries. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Panahon na upang maglibang at magnilay. Minsan ay nakakatulong din upang umunlad at gumaang ang pakiramdam ng meditation. Sa pag-ibig, matapos ang pagninilay, yayain ang kasuyo sa isang masarap na pagsu-swimming. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” White at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Hindi natatapos ang problema subalit kusa naman itong lumilipas. Ituloy mo lang ang nasimulang dagdag na pagkakakitaan, malapit ka ng yumaman. Sa pag-ibig, dahil Huwebes Santo na ipagpaliban muna ang romansa. Mapalad ang 1, 10, 19, 34, 41, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Beige at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Magtiwala sa sarili upang umunlad at yumaman. Mamayang gabi ay palakasin pang lalo ang iyong will-power. Sa harap ng salamin kausapin ang sarili: “Ako ngayon ay may pambihirang kagandahan, maaakit ko ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran.” Mapalad ang 6, 16, 25, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Green at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Hindi ang panlabas na anyo ang mahalaga! Kahit na hindi gaanong kaguwapuhan o kagandahan ang kasuyo, suwerte ka pa rin dahil pinagtiyagaan ka niyang mahalin. Sa pinansyal, panatiliin ang ugaling “bukas-palad” upang lalo pang umunlad. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 36 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Red at black ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Mahirap magbago ng career! Ang mas mahalaga, makaipon ng maraming-maraming pera. Sa pag-ibig, tuloy pa rin ang relasyon matagal mo nang balak na takasan. Mapalad ang 5, 18, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Om.” Black at apple green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pag-ibig, masusuong ka na naman sa mga problemang may kaugnayan sa pakikipagrelasyon. Maiiwasan ang ganoong kapalaran kung pipili ka ng iibiging hindi sikat. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om.” Red at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Maglinis ng mga abubot upang umaliwalas ang kapaligiran. Kapag malinis na malinis ang iyong ginagalawan, lalo kang susuwertehin at yayaman. Sa pag-ibig, isang Cancer ang may lihim na pagnanasa sa iyo. Mapalad ang 7, 16, 34, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Green at orange ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending