Lalakas pa ba ang naluluging tindahan? (2) | Bandera

Lalakas pa ba ang naluluging tindahan? (2)

Joseph Greenfield |March 24,2017
facebook
share this

Lalakas pa ba ang naluluging tindahan? (2)

Joseph Greenfield - March 24, 2017 - 12:05 AM

Sulat mula kay Mercy ng Duhat, Bocaue, Bulacan
Problema:
1. Ako po ay matagal ng balo pero nang muli akong mag-asawa ay iniwan naman ako. Sa ngayon ay nabubuhay lang kaming mag-iina sa pamamagitan ng maliit na tindahang naipundar ko sapol pa noong dalaga pa ako. Ang problema sa ngayon ay paubos na ang laman ng tindahan ko at may mga utang pa ako sa kooperatiba.
2. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil una ay gusto kong malaman kung ano ang masuwerte kong mga numero dahil paminsan-minsan ay tumataya ako sa lotto atm ikalawa, kung sa palagay n’yo ay may pag asa pa kayang muling lumakas ang tindahan ko tulad dati at kung lalakas pa uli ito sa paanong paraan kaya. Sa edad ko pong ay 32 makapag-aasawa pa kaya ako uli? September 23, 1984 ang birthday ko.
Umaasa,
Mercy ng Bulacan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini ang tutulong sa iyo upang makabayad ka ng mga utang at magbibigay din sa iyo ang nasabing lalaki ng dagdag na puhunan. Ang paglutang ng lalaking ito ay inaasahang magaganap sa buwan ng Hunyo o kaya’y Setyembre sa taon ding ito.
Numerology:
Ang birth date mong 23 ay nagsasabing bukod sa muling lalago at aasenso ang iyong tindahan ay malaki rin ang tsansa na makapag-abroad ka. At hindi lang isang beses kundi maraming beses kang makapangingibang-bansa.
Luscher Color Test:
Upang magpatuloy na lumakas at maging mabili ang inyong tindahan pinturahan mo ito ng kulay pula o kaya’y pink. Sa ganyang opisyal na kulay ng inyong tindahan, muling darami ang mga mamimili hanggang sa lumakas na ng lumakas uli ang inyong benta.
Huling payo at paalala:
Mercy, ayon sa iyong kapalaran, sa buwan ng Hunyo o sa buwan ng Setyembre sa taong, darating ang lalaking tutulong sa iyo upang mabayaran mo ang iyong mga utang at magbibigay din siya ng tulong upang magkaroon ka ng karagdagang puhunan. Ang lalaking nabanggit na tutulong sa iyo na tila anghel na hulog ng langit ay isang foreigner na nagtataglay ng initial na J.F. Sa bandang huli ay habang umuusad at umiinit ang inyong relasyon, maaaring siya na rin ang iyong mapangasawa at makasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending