Pia perfect mag-Darna; maganda, seksi, sikat, nagmumura ang boobs | Bandera

Pia perfect mag-Darna; maganda, seksi, sikat, nagmumura ang boobs

Ambet Nabus |March 23,2017
facebook
share this

Pia perfect mag-Darna; maganda, seksi, sikat, nagmumura ang boobs

Ambet Nabus - March 23, 2017 - 12:05 AM

pia wurtzbach

NGAYONG opisyal nang wala kay Angel Locsin ang Darna role, tila mga kabuteng bigla na namang nagsulputan ang mga poll or survey kung sino ang karapat-dapat lumulon ng bato at sumigaw ng “Darnaaaa!”

Nangunguna nga sa listahan si Liza Soberano dahil bukod sa ito raw ang may pinakamagandang mukha ngayon among youngstars, sikat na sikat din ang dalaga ngayon sa mga bata.

Nandiyan din si Nadine Lustre na gaya ni Liza ay very in ngayon plus hindi naman maitatangging game na game itong magpa-sexy lalo pa’t kaswal na kaswal kung ito’y mag-display ng maganda niyang katawan sa social media.

And yes, ayaw pumayag ng Popsters ni Sarah Geronimo na mawala siya sa pagpipilian dahil bukod sa Pinay na Pinay daw ang aura nito, bagay na bagay din daw sa dalaga ang costume ni Darna. But Sarah readily said na hindi para sa kanya ang nasabing role.

Grabe rin ang clamor ng fans para kay Yassi Pressman na simula nang mapabilang sa action-serye na FPJ’s Ang Probinsyano ay nadoble nga ang kasikatan kumpara sa dati.

Nandiyan din si Maja Salvador na swak na swak din sa role na bukod sa sexy, maganda, mahusay umarte ay Pinay na Pinay din ang itsura. Siyempre ang noon pa ma’y laging nasasali sa listahan na si Jessy Mendiola ay pasok din sa posibleng pagpilian.

Ang latest ngang positibong sumagot na dream role din niyang maging Darna ay si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na ayon sa mga supporters niya ay bukod tanging may karapatang gumanap na Darna.

Nag-uumapaw daw kasi ang kaseksihan nito lalo pa’t sanay itong rumampa ng naka-bikini lang habang nagmumura ang boobs.

Nakakatawa talaga ang mga pasaringan at okrayan ng mga fans at supporters ng mga nabanggit na celebrities para i-defend ang kanilang mga bet.

Basta para sa amin, kailangang ang susunod na DARNA ay may aura na mamahalin ng mga Pinoy, confidently beautiful with a heart (sabi nga ni Pia) at handang sumabak sa matitinding aksyon, plus siyempre may box-office appeal at magaling umarte noh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending