Horoscope, March 22, 2017 | Bandera

Horoscope, March 22, 2017

Madam Sophia |March 22,2017
facebook
share this

Horoscope, March 22, 2017

Madam Sophia - March 22, 2017 - 12:05 AM

Para sa may kaarawan ngayon: I-prioritize ang mga taong nagmamahal sa iyo. Ipadama sa kanila na hindi mo nakakalimutan ang iyong obligasyon. Sa pananalapi, darating ang araw ang mga taong minahal mo ang siya ring tutulong sa iyo. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Valefor-Vassago-Vepar.” Red at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi ka dapat umasa sa mga pangako dahil sa bandang huli, hindi naman tutuparin ng mga taong nangako ang kanilang pangako. Sa pananalapi, wag asahan ang salapi na hindi mo pa hawak. Sa pag-ibig, maging masaya na kasalukuyang sitwasyon. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Zepar-Malapahr-Hagar.” Violet at white ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Sa pananalapi, maging tapat at totoo sa mga ka-transaksyon. Sa pag-ibig, hindi masama kung sa iyo na mismo magsisimula ang initiative upang muling mabuo ang relasyon. Mapalad ang 3, 18, 26, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Lilac at black ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa tuloy-tuloy na pagkilos at pagtitiyaga makukuha ang pagyaman. Sa pag-ibig, tama ang iyong ginawa, panatilihing second priority lang ang kasuyo at sabihin sa sariling “Ang priority ko talaga ay kung paano darami ang pera!” Mapalad ang 5, 13, 19, 29 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” Blue at purple ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa pananalapi, mag-isip ng pagkakakitaan na magiging malusog ang iyong katawan at isipan. Sa pag-ibig, isama ang kasuyo sa pamamasyal sa beach. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Om-Umati-Chal-Umati-Om.” Crystal green at blue.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa panahong ito ay may mga recognition na matatanggap ang pamilya. Sa pinansiyal, ngayong maganda ang kinikita kasama ang mga mahal sa buhay magrelax-relax naman kayo, mag-swimming at mamasyal malapit sa nature. Mapalad ang 1, 17, 22, 34, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jehova-Hella-Cytheria.” Orange at green ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Manatiling matatag kahit na maraming bayaring kinakaharap. Sa pag-ibig, nagtatampo ang kasuyo, parang may kulang – abutan siya ng malaking halaga ng salapi. Mapalad ang 5, 18, 23, 33, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Verchiel-Hamaliel-Barchiel.” Red at maroon ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — I-prioritize ang mga bagay na may kaugnayan sa pagkakaperahan kahit na gaano ka-hectic ang iskedyul. Sa pag-ibig, mag-text sa kasuyo, umaga, tanghali at gabi, at sabihin sa kanya: “I love you, I miss you.” Mahiwaga mong mantra: “Orobas-Orias-Solas.” Gray at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pag-ibig, maging maingat sa pakikipagrelasyong may kaugnayan sa kaimoralan. Sa pananalapi, wag magpabola sa matatamis na dila ng mga nagre-recruit sa negosyong pyramiding. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Red at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Maging mautak! Sa pananalapi, magkunwaring laging walang pera upang hindi ka mautangan. Sa pag-ibig, wag mahirating ikaw lagi ang taya, sa susunod n’yong pagde-date, siya naman ang pagastusin mo. Mapalad ang 9, 18, 26, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Daig ng mautak, ang masipag!” Maroon at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Pagbutihin ang pakikitungo sa nakatataas! Wag kumontra nang kumontra. Sa ganyang paraan, may malaking salaping matatanggap. Sa pag-ibig, okay lang na ang kasuyo ang magtrabaho ng magtrabaho upang wag kang masyadong mapagod. Mapalad ang 4, 16, 22, 25, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Advachiel-Hanael-Cambriel.” Black at violet ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa pinansiyal, isang kaibigang nasa abroad ang makakatulong sa problemang may kaugnayan sa pananalapi. Sa pag-ibig, tandang walang malayo at malapit sa isang pusong nagmamahal. Mapalad ang 4, 8, 25, 28, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Neberius-Murmur-Furfur.” Green at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Gawing memorable ang araw na ito. Makisama sa mga nag-aayang kaibigan. Sa pananalapi, mas mahalaga pa rin ang masaya, kaysa sa marami ngang pera pero malungkot ka naman. Sa pag-ibig, mamayang gabi ay yayain ang kasuyo sa isang masarap na paglalakwatsa. Mapalad ang 7, 18, 22, 23, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Eat, drink and be merry.” White at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending