'Si Piolo pa rin ang pinakagwapong aktor sa Pinas!' | Bandera

‘Si Piolo pa rin ang pinakagwapong aktor sa Pinas!’

Cristy Fermin |March 22,2017
facebook
share this

‘Si Piolo pa rin ang pinakagwapong aktor sa Pinas!’

Cristy Fermin - March 22, 2017 - 12:10 AM

PIOLO PASCUAL

PIOLO PASCUAL

SA unang pagkakataon na napanood namin ang full trailer ng “Northern Lights, A Journey To Love” ay nakuha na nu’n ang aming atensiyon. Mga eksena sa bundok ng yelo ang nakita naming tinutukan sa trailer.

Walang pagbabago ang itsura ni Piolo Pascual, anuman ang sabihin ng iba ay siya pa rin ang mayhawak ng trono bilang pinakaguwapong personalidad ngayon, nagkakaedad na pero makisig na makisig pa rin si Papa P.

Gustung-gusto ng mga kababayan natin ang mga ganu’ng eksena na bagong-bago sa kanilang paningin. Sa New Zealand kinunan ang pelikula, ang kapareha ng aktor ay ang magaling umarteng si Yen Santos, mukhang maganda ang pelikula dahil nakaaarte rin ang batang lalaking kaeksena ni Piolo.

Masayang-masaya si Mother Lily Monteverde sa muling paggawa ng proyekto ni Piolo sa kanyang produksiyon, hindi pa ganyan kasikat nu’n ang aktor nang gawin nila ni Joyce Jimenez ang “I Think I’m In Love,” tama si Mother Lily sa pagsasabing napakalayo na nga ng narating ni Piolo Pascual.

Mapang-imbita ang trailer ng “Northern Lights,” bukod sa magandang pagmasdan ang bundok ng niyebe ay maganda ang kuwento ng pelikula, siyempre’y malaking kunsiderasyon din ang kaguwapuhan ng papa ng bayan na hindi lang basta guwapo kundi may maipagmamalaki ring acting.

Sa March 29 ay inaasahan na namin ang magandang balita tungkol sa pelikulang ito. At kapag nagkaroon kami ng panahon ay gusto naming masilip ang “Northern Lights, A Journey To Love” ng Regal Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending