Jed Madela pasok bilang hurado sa Tawag ng Tanghalan Kids

By Reggee Bonoan March 21,2017
share this

Jed Madela pasok bilang hurado sa Tawag ng Tanghalan Kids

By Reggee Bonoan March 21,2017
share this

jed madela

Ang saya-saya ni Jed Madela kahapon dahil nagsimula na siyang maging isa sa hurado sa Tawag Ng Tanghalan Kids sa It’s Showtime.

Matatandaang tinanggal si Jed bilang isa sa hurado ng Your Face Sounds Familiar Kids dahil sa rules ng Endemol ay dapat may anak na ang mga hurado para maka-relate sila sa mga batang contestant.

Nalungkot si Jed sa pagkakatanggal sa kanya sa YFSFK dahil nga dalawang season siyang naging hurado at gusting-gusto niya ang show.

At kahapon nga ay nagsimula na siya sa Tawag Ng Tanghalan Kids kaya binati namin siya. Anyway, totoo talaga na kapag may nagsarang pintuan may magbubukas na bintana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending