Hiling ng fans nina Janella at Elmo tinupad ni Mother Lily

March 21,2017
share this

Hiling ng fans nina Janella at Elmo tinupad ni Mother Lily

March 21,2017
share this

janella salvador at elmo magalona

SIGURADONG matutuwa ang mga tagasuporta nina Janella Salvador at Elmo Magalona dahil sa wakas dininig na rin ang matagal na nilang hiling.

Yes, magsasama na nga sa isang bonggang movie sina Elmo at Janella under Regal Entertainment na ididirek ng award-winning director na si Jun Lana.

Sa Instagram account ng Regal Films, naka-post ang litrato nina Elmo at Janella kasama sina direk Jun at Mother Lily Monteverde. Sa taas nito ay ang pinaniniwalaang magiging poster ng pelikula kung saan nakalagay ang title nitong “My Fairy Tail Love Story”.

Kung pagbabasehan ang nasabing poster, giveaway na ang tema ng pelikula dahil nga sa tila buntot ng sirena na nasa ilalim ng dagat. Posibleng mermaid nga ang maging role ni Janella sa movie.

In fairness, ngayon pa lang ay super excited na ang fans ng dalawang Kapamilya stars dahil talagang matagal na nilang gustong mapanood sa big screen ang dalawa.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat nila kay Mother Lily at kay Roselle Monteverde Teo. Ang balita namin magsisimula nang mag-shooting ang JanElmo next week or this coming April.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending