JaDine walang hiya-hiya pagdating sa laplapan | Bandera

JaDine walang hiya-hiya pagdating sa laplapan

Ambet Nabus |March 21,2017
facebook
share this

JaDine walang hiya-hiya pagdating sa laplapan

Ambet Nabus - March 21, 2017 - 12:10 AM

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

IBA na talaga ang takbo ng utak ngayon at pagiging mapangahas ng ating mga teen superstars kapatid na Ervin?

Aba’y lantaran na rin kung maghalikan sina James Reid at Nadine Lustre base na rin sa mga ipinopost nila sa social media.

Tukaan kung tukaan talaga na ang emote ng dalawa, tila wala silang pakialam sa sasabihin ng ibang tao kahit na nga magdyowa naman sila.

Si Nadine ang unang teen big star na nakita nating nagpaka-daring what with her sexy photos sa beach na labas pa talaga ang puwet.

Nagpaka-sexy din ito sa mga two piece bikini niya at dedma naman sa mga pamba-bash sa kanyang itsura at pagiging liberated.

Recently ay muli siyang niregaluhan ni James ng isang necklace sa isang show nila bilang pagpapatunay na going strong pa rin ang kanilang relasyon. Marami na rin ang nasasabik sa next movie at TV project nila, kasama na kami riyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending