Horoscope, March 21, 2017

By Madam Sophia March 21,2017
share this

Horoscope, March 21, 2017

By Madam Sophia March 21,2017
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Kusa ng magiging paborable ang sitwasyon ngunit patuloy pa ring magiging mag ulo ang isipan. Panahon ngayon ng malalim na pagninilay at meditation, upang lalo mo pang mapagbuti ang iyong sarili. Mapalad ang 3, 12, 23, 30, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dushta.” Blue at violet.

Aries – (Marso 21-April 19) — Tapusing mabilis ang mga nakabinbing gawain upang kapag nakatapos agad, maipatupad mo na na rin sa wakas ang iniisip na operation summer get away. Sa pag-ibig, isama ang kasuyong Sagittarius sa pamamasyal. Mapalad ang 6, 15, 18, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chadra-Me-Om.” Red at purple ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Magandang ipatupad ang matinding disiplina sa sarili ngayong panahon ng Mahal na Araw. Regular na mag-exercise at dibdibang iwasan ang katakawan. Sa muling pagpapa-sexy lalong iinit ang pakikipag-relasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Aum-Nameh.” Red at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Ngayong summer mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Isa alang-alang ang mga produktong may kaugnayan sa prutas, gulay at pagkain. Sa pag-ibig, laging mainit ang ulo ng kasuyo, yayain mo siyang mag-unwind sa isang lugar na malapit sa beach. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 29 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Me-Om”. Sky blue at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Anoman ang mangyari ang pamilya pa rin ang dapat na pahalagahan. Ngayong summer paglaan ng budget ang leisure activities sa isang lugar na noon mo pa gustong-gustong puntahan. Mapalad ang 1, 7, 25, 27, 39 at 42. Mahgiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Green at black ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Makakaramdam ka ng isang malakas na puwersa. Gamitin ang iyong will power upang magkapera. Sa pag-ibig, lalong kang susuwertehin kung patuloy na pananaigin ang pag-ibig sa kasuyong Aries. Mapalad ang 4, 16, 20, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Umali-Om”. Gray at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Tapusing mabilis ang anomang proyektong ginagawa upang lalo pang umigting ang tiwala sa sarili. Kapag buo ang loob, mas mabilis na lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, bigyan ng mainit na romansa ang minamahal ngayong tag-araw. Mapalad ang 5, 8, 25, 35, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manik-Aum-Moti.” Silver at pink ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Habang pumapasok ang tag-araw sa pinansyal tuloy ang pag-angat ng kita. Ngayon pa lang pag handaan na ang family bonding sa malayong lugar. Sa pag-ibig umiwas sa immoral na relasyon, hanngat kaya pa. Mapalad ang 6, 18, 27, 25, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Gayatri-Om.” Lilac at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Upang mabawasan ang pag-aalala, anoman ang bigat ng problema muling paalalahanan ang sarili: “Ito man’y lilipas din!” Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ravaye-Ravaye-Aum”. Maroon at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Maging busy-bisihan ang araw na ito. Anoman ang mangyari, wag mong kakalimutan ang dalawang mahalagang bagay na dapat ipriority: Una, ang pagpaparami ng salapi at pangalawa, ang pag-ibig sa kasuyong Gemini. Mapalad ang 6, 17, 19, 28, 37 art 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Savitri-Savitri-Aum.” Beige at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi masama ang magtipid, pero dapat mo ring gastusin ang iyong pera upang maglibang. Makakaiwas sa mga karamdamang may kaugnayan sa psychological stress kung magtatampisaw sa tabing dagat habang kumakain ng manggang hilaw at bagoong. Mapalad ang 4, 8, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Surya-Oma.” Blue at white ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Akala mo ay galante ka, pero hindi totoo. Ang totoo, nagiging mabait ka lang sa mga taong napapakinabangan mo. Minsan naman, lalo na ngayong Mahal na Araw, magbigay ka ng walang hinihintay na kapalit. Sa ganyang paraan lalo kang pagpapalain ni Lord. Mapalad ang 4, 13, 25, 34, 40- at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agni-Agni-Aum.’ Biege at lilac ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Ngayong summer magnegosyo ng mga bagay na may kaugnayan sa tubig at yelo. Ang halo-halo at samalamig ay maaaring isaalang-alang. Sa pag-ibig, dahil sobrang init ng panahon ngayon, sa darating na Sunday yayain ang kasuyona mag-swimming. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Ketu-Manu-Om”. Silver at yellow ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending