Dating bilanggo (2)

By Joseph Greenfield March 20,2017
share this

Dating bilanggo (2)

By Joseph Greenfield March 20,2017
share this

Sulat mula kay Fidel ng San Francisco, Bombon, Camarines Sur
Problema:
1. Matapos akong pagbintangan sa isang kaso na hindi ko naman ginawa, tatlong taon din ako nagtiis sa bilanguan at ngayon ay nakalaya na ako. Ang problema, wala akong trabaho at kapag nabalitaan ng mga pinag-aaplayan ko na dati akong nabilanggo, hindi nila ako tinatanggap. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung kailan kaya ako makakatagpo ng trabaho?
2. Tatlong buwan na kasi akong laya pero hanggang ngayon ay wala pa akong trabaho at yong dating girlfriend ko ay iniwan na din ako. Kailan kaya ako magkakaroon ng trabaho at muling magkaka-girlfriend at kailan din kaya ako makapag-aasawa? November 13, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Fidel Camarines Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ay nagsasabing bukod sa pagkakaroon ng regular na trabaho ikaw din ay magkakaroon ng girlfriend sa taon ding ito ng 2017, sa buwan ng Oktubre na ang nasabing babae na magiging GF mo ay nagtataglay ng zodiac sign na Taurus.
Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing biglang su-werte ang mangyayari, kung saan, iyong inaakala mong pagkakakulong na dating nagbigay sa iyo ng kamalasan, ang siya pang magtutulak sa iyo ngayon upang magkaroon ka ng hind lang trabaho, kundi ng girlfriend at sa bandang huli ay isang sarili at matatag na negosyo na may kaugnayan sa tindahan.
Huling payo at paalala:
Fidel ayon iyong kapalaran basta’t magsikap ka lang na mag-aplay ng mag-aplay dahil tiyak na darating din ang panahong yong da-ting kamalasan mo ay kusa ng mapapalitan ng bulto-bulto, siksik at lilig na su-werte na magsisimulang mangyari tulad ng nasa taon ding ito ng 2017. Kung saan, pagkatapos mong magkaroon ng regular na trabaho, magkaka-girlfriend ka, at pagkatapos magka-girlfriend ay makapag nenegosyo, hanggang sa tuloy-tuloy ng umunlad ang itatayo nyong pamilya, yumaman at habang buhay na lumigaya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending