'Hindi krimen kung mag-lips to lips man sina Piolo at Inigo Pascual!' | Bandera

‘Hindi krimen kung mag-lips to lips man sina Piolo at Inigo Pascual!’

Cristy Fermin |March 20,2017
facebook
share this

‘Hindi krimen kung mag-lips to lips man sina Piolo at Inigo Pascual!’

Cristy Fermin - March 20, 2017 - 12:05 AM

piolo at inigo pascual

NASA gitna na naman ng “paglalaro” ng mga bashers si Piolo Pascual. Lumabas lang ang video clip ng paghahalikan nila ng kanyang anak na si Inigo nang lips-to-lips ay parang mga ibon nang nabulabog sa sanga ang mga taong walang magawa sa buhay.

Nilagyan na agad ng malisya ang paghahalikan sa labi ng mag-ama, pinagdudahan na agad na hindi raw naman kasi tunay na anak ni Piolo ang young actor, napakarumi ng isip ng ibang tao diyan.

Hindi siguro alam ng mga bashers na ‘yun na dumaan pa sa DNA test ang relasyon ng mag-ama, magkadugo sila, anak ni Piolo si Inigo.

Napakarami naming kilalang mag-ama na sa labi rin humahalik ang anak sa kanyang tatay bilang pagrespeto. At walang masama du’n, hindi krimen ang ganu’n, na tulad ng pinalalabas ngayon ng mga taong sa kakapusan ng magagawa ay nanghihimasok na lang sa buhay ng may buhay.

Ano kaya ang mas gusto nilang makita? Mag-amang nag-aaway at nagmumurahan?

Mag-amang sinisiraan ng anak ang kanyang tatay sa publiko?

Pati ba naman isang akto ng pagrespeto ay gagawin pang isang malaking isyu ng pagdududa? Parang krimen na ang ginawa ng mag-ama na naghalikan lang naman sa labi?

Ilalabas pa ba naman nila ang video clip na ‘yun kung may kaduda-duda sa kanilang ginagawa? Kung minsan talaga, kahit gaano kahaba ang pisi ng pasensiya ng artista, ay napapatid din ‘yun dahil sa mga taong punumpuno ng karumihan ang utak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending